Gov’t Employee, Ninakawan ng Lover sa Hotel

NINAKAWAN NG pe-rang nagkakahalaga na P5,000 ang isang go-vernment employee na dinala ng kanyang lover na lalaki sa isang hotel sa Kalibo, Aklan.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Kalibo PNP, nag-check-in sa isang hotel ang 51-anyos na biktima na ayaw i-pabanggit ang pangalan na residente ng nasabing lugar, kung saan kasama ang kanyang lover.                                                                                               Paggising umano ng biktima dakong alas-4 ng madaling-araw kamakailan ay wala na sa kuwarto ang kanyang lover kasama ang kanyang pera na nakalagay sa kanyang wallet.

Napag-alaman naman na kailan lamang nagkakilala ang dalawa sa isang bar at sa muling pagku-krus ng kanilang landas ay nag-inuman muna bago nag-check-in sa hotel.

Dahil dito, nagreklamo ang biktima sa awtoridad at humingi ng tulong upang mahuli ang magnanakaw na lover.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.