Gov’t Employee, Natangayan Na Ng P2.4-M, Pinatay Pa

 

WALA PA ring pagkakakilanlan sa mga riding-in-tandem gunmen na nasa likod ng pananambang at pagpatay sa isang empleyado ng Provincial Engineer’s Office ng Isabela City sa Basilan kamakalawa ng hapon sa may Barangay East Side ng nasabing lungsod.

Natangay ang perang dala ng biktima na umaabot sa halagang P2.4 milyon.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Nurhasan Sakili Sahijan, disbursing officer ng Provincial Engineer’s Office ng Isabela City at residente ng Barangay Timpul ng lungsod.

Lumalabas sa ulat ng Isabela City police station, pabalik na ang biktima sa kanilang opisina sakay ng kanyang motorsiklo matapos ma-encash ang check-voucher para sana sa suweldo kahapon ng mga empleyado ng Provincial Engineer’s Office, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Provincial Health Office (PHO) na umabot sa kabuuang halaga na P2.4 milyon.

Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, napansin nila ang dalawang bagitong lalaki na nakasakay sa isang XRM 125 motorsiklo na walang plate number na sinusundan si Sahijan.

Nang makahanap na ng pagkakataon ang dalawang suspek ay biglang binaril ang biktima sa ulo gamit ang caliber .45 pistol saka inagaw ang isang shoulder bag kung saan nakalagay ang malaking halaga ng pera.

Sa ngayon, patuloy na nangangalap pa ng mga impormasyon ang mga kinauukulan para matukoy ang mga salarin sa krimen. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.