Gov. Vilma Santos, wala daw panahon sa Twitter!

MATAGAL NA ang pinagsamahan nina Judy Ann Santos at ng Megastar na si Sharon Cuneta bilang magkaibigan na parang magkapatid ang turingan. Pareho kasi silang nagkahulihan ng loob, dahil ang kanilang tratuhan sa isa’t isa ay walang ka-showbiz-an. Mag-ate talaga sila na sanggang-dikit, kaya ‘yung ginawa ni Juday na pagbibigay ng simpatiya sa Mommy ni KC Concepcion kontra sa kanyang Twitter bashers, ay buo ang loob ng wife ni Ryan Agoncillo.

Kung saang kampo ng mga fans nanggaling ang bumabatikos kay Sharon, alam ni Judy Ann ang kanyang mga hakbang at sinasabi. Isa si Juday sa mangilan-ngilang artista rito sa showbiz na may direktang komunikasyon sa kanyang mga tagahanga. Mayroon din siyang mga tagasubaybay na matitinik sa isyu. Isang tawag at tanong lang ni Juday: “Kanino, sino at saan nanggagaling ang mga tira na ‘yan?” ay mayroon siyang tapat na mga fans na magbibigay sa kanya ng tamang impormasyon.

Matalinong artista si Judy Ann, kaya hanggang ngayon ay nariyan pa rin siya. Sa tagal na niya sa showbiz ay alam na niyang kilatisin kung ang mga tagahangang lumalapit sa kanya ay kabig niyang talaga. Naranasan na ni Juday na mayroong mga fans na nagkukunwaring kanya, pero nabubuking niya na ang intensiyon pala ng mga mapagpanggap na tagahanga ay para tiktikan lang siya at hanapan ng mga kasiraan. Upang ang iangat na pangalan ay kung sino ang tunay na idolo nila at ilaglag si Juday.

 

NAGULAT DIN talaga si Senator Ralph Recto sa kumakalat na usap-usapan, na ang wife niyang si Governor Vilma Santos-Recto ay kahilera na rin ng mga sikat na artista sa showbiz na sobrang busy sa kanyang Twitter account. Kasi nga, kalat na kalat ang isyu na maraming nagpapatunay na mayroon nga raw Twitter account ang Star for all Seasons, at maraming taga-showbiz nga raw ang natutuwa, dahil hindi pala kill joy ang Mommy ni Luis Manzano pagdating sa ganyang tetchie na tsikahan.

Maagap naman si Ate Vi sa kanyang pagpaparating ng pasabi sa mga taga-showbiz na kanyang mga kakilala, na wala talaga siyang Twitter account. Natatawa na lang din si Senator Ralph, dahil alam na alam naman niyang hindi nga aktibo ang kanyang wife sa Twitter, dahil sobrang busy si Gov. Vi sa kanyang buong maghapon sa  mga pinagkakaabalahan bilang Gobernadora. “Tumigil na sana ‘yung nagpapanggap na si Governor. Hindi magandang gawain ‘yon,” wika ni Senator.

Samantala, hindi naman nagpapaapekto si Ate Vi sa mga bumabatikos sa kanya na kesyo baka gimik lang ang kanyang mga sinasabi na madaming proyektong inio-offer sa kanya na hindi lang niya makayang simulan kaagad. “Kaya nga ayoko na ring magsalita. ‘Tulad nitong ‘The Healing’ sa Star Cinema, hindi pa tapos, pero gusto na nilang magplano ng kasunod. Kung ano na lang ang masimulan at matapos ko, ‘yun na muna siguro ang ipagpapasalamat natin,” wika ni Ate Vi.

 

BLIND ITEM: Laging napapatunayan sa showbiz ang kuwento na kapag umentra ka sa larangang ito ay parang suntok sa buwan kung sisikat ka ba o hindi para masabi mong suwerte kang talaga o luluha ka sa kabiguan. May kaugnayan iyan sa kuwento ng pag-aartista ng actor na itago natin sa pangalang Isagani Dizon. Mala-Adonis sa kakisigan si Isagani.  Napakaguwapo niya, matangkad, makinis at maganda ang katawan na tsikang dakila ang hinaharap.  Siya ‘yung tipong hindi namimili ng anggulo, dahil napakaganda ng rehistro niya sa TV or giant screen, kasi nga maamo sa kanya ang mga kamera.

Nakakaarte na rin naman si Isagani. Pero itanong n’yo naman kung bakit kahit halos nasa kanya na ang mga katangian ng isang artista para sumikat, ay hayun at hindi pa rin nagniningning ang kanyang popularidad samantalang kilala na ang kanyang pangalan? Susme! Ito palang si Isagani ay mahina ang loob, at umaapaw ang kabobohan. Para siyang laging bagong salta sa showbiz na kaila-ngan pang palakasin ang loob para patunayan ang kanyang sarili.

Laging umaasa si Isagani sa suporta at pagpapalakas ng loob niya na magmumula sa ibang tao. Heto pa ang isa niyang kabobohan! Mabilis mabilog ang kanyang ulo ng mga nagkukunwaring bading, na tutulungan siyang umangat ang career. Mabait at mapagbigay siya sa mga bading. Nagpapakama na kaagad at ibinibigay ang kanyang katawan, kapalit ng inaasahan niyang tulong para siya mapasikat. Ang ending, laging gano’n: Pinapangakuan siya ng kasikatan at tinitikman sa kama. Pagkatapos ng tikiman, nawawala na ang mga bading at naiiwan si Isagani na nanganga-rap kung kailan ba talaga siya sisikat?

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

4 thoughts on “Gov. Vilma Santos, wala daw panahon sa Twitter!

  1. busy kasi si ate v sa kanyang posisyon bilang gobernador at sa kanyang gagawing mga pelikula unlike sharon na papatol ng papatol sa mga nagiinis sa kanya kaya sya ang nagmumukhang kakatawanan at laos! wag ka nang mag twitter ate v kasi hindi mo na yan kailangan! wag mong gayahin si sharon na inilevel ang sarili sa mga starlets! hahahahaha

  2. Magaling si Queen Vi sa computer kaya lng napaka buzy ni Queen Star bilang Gobernadora at actress..wala syang panahon dyan!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.