Gov. Vilma Santos, waging best actress sa isang international filmfest

Vilma-SantosVilma-SantosISANG TEXT message ang nakarating sa amin na nagbabalita na nanalo bilang Best Actress sa 13th Dhanka International Film Festival sa Bangladesh para sa mahusay na pagkakaganap sa pelikulang Ekstra si Gov. Vilma Santos.

Sa slogan nilang, “Better Film, Better Audience, Better Society”, anim ang nakuhang awards ng bansang Iran, walang nanalo sa 23 na pelikulang naglaban-laban sa kategorya ng Best Film, samantalang si Gov. Vi ang pinarangalan bilang pinakamahusay na aktres dahil sa ipinakitang galing at makatotohanang pagganap bilang isang bit player sa nasabing pelikula.

Naniniwala kami na simula na ito ng pagkilala sa husay ni Gov. Vi internationally at marami pang kikilala sa husay niya bilang isang aktres sa ibang bansa.

Sana pagkatapos ng Ekstra ay gumawa uli ang actress/politician ng ganitong uri ng mga pelikula na ibang-ibang Gov. Vi ang makikita at mapanonood ng publiko.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

5 thoughts on “Gov. Vilma Santos, waging best actress sa isang international filmfest

  1. San ba yang DAKA na yan? di ba beach resort yan sa Batangas? kaya pala nanalo kasi constituents nya ang hurado sa DAKAK beach resort! wa ha ha ha ah he i hi hie hie ei eeeeeeeee

  2. ang galing!!! Dhako film festival sa Bangladesh. Sosyal talaga ni Vilma! Galeng! Dhako besy actress! Wala panama ang Cairo ni Nora dito sa Dhako ni Vilma!

  3. Akala ko ba ang Venice, APSA, AFA, at Berlin mga hotoy hotoy! ano naman ito? puede ba wag ibalita nakakahiya! sa idol ko sinisira nyo lang si Vilma!! fuck you Jefrey Jeturian! sinira mo si vilma! Average film pa ata ang lahat ng kalahok meaning lahat mga basura!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.