Gov. Vilma Santos, twice nang ni-reject ang muling pagsasama nila ni Nora Aunor sa isang movie

Vilma-Santos-RectoDALAWANG BESES na palang ni-reject ni Vilma Santos ang offer ni Brillante Mendoza na gumawa sila ng pelikula at stage play with Ms. Nora Aunor. Ang dahilan ng Star For All Seasons ay ‘yung schedule niya. Hindi puwedeng tuluy-tuloy ang shooting dahil baka maapektuhan ang trabaho niya sa Kapitolyo as governor ng Batangas. Priority kasi ni Ate Vi ang pagiging public servant, secondary na lang sa kanya ang pag-aartista.

Gusto pa naman ni Vilma ‘yung project with La Aunor, kaso mo nga hindi pumayag si Brillante sa shooting schedule na binigay nito. After T-Bird At Ako, ang last film na pinagsamahan nilang dalawa. Kung natuloy sana, balik-tandem ulit ang dalawang icon ng local cinema. Willing si Ate Vi na makatrabaho ulit ang Superstar, excited nga ito nang sabihin ni Direk Brillante na si Ate Guy ang kasama niya sa pelikula.

If ever matuloy ang movie project na ito in the near future, ‘yung hindi na hectic ang schedule ni Ate Vi at may time na siyang gawin ang movie nila ni La Aunor. Magpapalit sila ng character sa movie, magbi-Vilma Santos ang character ni La Aunor at si Ate Vi, mag-aala Nora Aunor ang acting na gagawin niya. Kung ang Superstar, mata lang ang umaakting at matipid sa dialogue, gagawin ‘yung ng Star For All Seasons. Nakilala natin si Ate Vi sa mahahabang dialogue with Direk Ismael Bernal. ‘Yun naman ang gagawin ni Ate Guy. Challenging, ‘di ba? Exciting kapag natuloy ito. Abangan…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.