Gov. Vilma Santos, stage mother na stage mother kay Luis Manzano!

BLIND ITEM: Kulang na lang ay isinuka ng isang mataas na paaralan somewhere in the Rizal Province ang young actor na ito for denying — in an interview — that he graduated from that school.

Pinalabas kasi ng heartthrob na ito na sa mas kilalang branch siya ng eskuwelahan sa San Juan siya nagtapos. Natural, ikinadismaya ng pamunuan ng institusyong ‘yon ang pagdedenay ng aktor, dahil ba natatagpuan ‘yon sa lalawigan ng Rizal, samantalang de kalidad din naman ang edukasyon doon?

Because this matinee idol is, of course, pursuing his college studies ay sa kung saan-saang reputable universities siya kumuha ng entrance examination. Nariyan daw ang Unibersidad ng Pilipinas (UP), DLSU at Ateneo de Manila University.

Sadly, lagpak sa pagsusulit ang bagets. But time was fast ticking, kinailangan na raw mag-enrol ang young actor kung kaya’t binalikan niya ang pinagradweytan niyang high school in Rizal — which he earlier denied having graduated from — in securing the necessary requirements tulad ng certificate of good moral character para makapag-enrol sa ibang unibersidad.

The young actor obtained what he needed, bumagsak siya sa isang sister college ng isang tanyag na university  somewhere in Manila, but it has a reputation of being the “dumping ground” of the wealthy yet average students.

Entonces, ang huling halakhak ay nasa school administration ng paaralan sa Rizal Province kung saan nagtapos ng hayskul ang batang aktor. “Dedenay-denay siya na rito siya sa amin gumradweyt, pero rito rin pala siya hihingi ng saklolo dahil bagsak siya sa lahat ng mga entrance exam na pinag-enrol-an niya!”

Sa mga anak ng “mga kababayan ko”, mahalaga ang itinuro sa atin ni Gat Jose Rizal na matuto tayong lumingon sa ating pinanggalingan nang makarating tayo sa ating paroroonan. For sure, the young actor’s father must be turning in his grave.

 

ESPESYAL ANG episode ngayong Sabado ng Kapamilya: Deal or No Deal as its host Luis Manzano celebrates his 31st birthday, and what better way to rejoice than having Batangas Governor Vilma Santos-Recto as contestant trying her luck para masungkit ang P2-M prize at stake.

Of course, minana lang ni Luis ang hosting job ng KDND from Kris Aquino, but like his predecessor ay gamay na gamay nito ang game show. No doubt, Luis has fully equipped himself with the hosting demands as well as pressures so as not to pale in comparison with the show’s original host.

Stage mother na kung stage mother, pero sobra ang pagkabilib ni Ate Vi sa kanyang anak. “Paanong hindi ka bibilib kay Luis?” Ate Vi breaks the ice, “Ako, may trabaho. Ang tatay niya (Edu Manzano), busy rin sa trabaho. Although we, as his parents, are here to gudie him, kung anuman ‘yung naa-achieve niya in terms of his career, he has learned it all on his own.”

It wasn’t Gov/Ate Vi’s first time to guest on KDND, tandang-tanda pa niya noong si Kris ang host nito, she went home with P150 as in siyento singkuwenta pesos lang! With her son as the new season’s host, mas naging kumportable raw si Ate Vi, owing it to her familiarity with the nitty-gritty of the show plus the “hidden banker” na pinakikiusapan niyang itaas ang take-home prize.

“Para lang kaming nasa bahay ni Luis while taping,” sey ni Ate Vi, na sa tuwing mabubuksan ang briefcase na naglalaman ng maliit na halaga ay may production number sila ni Luis bilang pagbubunyi.

Ilan lang ito sa mga tagpong dapat n’yong abangan ngayong Sabado sa KDND with Gov/Ate Vi as Luis’s special guest in his birthday episode. If Ate Vi became richer by P2 million is something you should not fail to watch!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

4 thoughts on “Gov. Vilma Santos, stage mother na stage mother kay Luis Manzano!

  1. mali rin si alfie, si richard gomez sumikat  na anak ni stella suarez na sikat din noon,  si richard guttierez na anak ni eddie na sikat din noong panahon niya,  si pops fernandez na sumikat noon na in fairness mas sikat pa sa mga magulang niya..christopher de leon na artitsa ding sikat ang mga parents dati

  2. Elmo Magalona! Parang may nabasa nga akong article matagal na, parang walang hilig sa pag-aaral ang batang ito. Maging rapper lang yata ang ambisyon niya. There can only be one Francis Magalona, at sabi nga ni Tatang Alfie, wala pang anak ng celebrity na mas sisikat o magiging kasing-sikat ng magulang na sikat.

  3. “mga kababayan ko” linya sa kanta ni francis m. .. anak nyang lalaki, yung nagpapakacontrobersyal – elmo ‘feeling rapper’ magalona.

Leave a Reply

Your email address will not be published.