Gov. Vilma Santos, sinugod ni Ryzza Mae Dizon

Ryzza-Mae-Dizon-Vilma-SantosDUMALAW ANG child star na si Ryzza Mae Dizon sa Kapitolyo ng Batangas para mai-guest at mainterbyu ang Star for all Seasons na si Governor Vilma Santos-Recto sa kanyang talkshow na The Ryzz Mae Show sa GMA-7, kaya naman marami ang nakasaksi kung papaano naaliw ang mommy ni Luis Manzano kay Aling Maliit sa mahabang oras na magkasama sila, dahil ipinasyal ni Ate Vi si Ryzza sa maraming parte ng Kapitolyo noong Monday, May l9.

“Matalinong kausap si Ryzza Mae, kaya naaliw akong kausap siya. Nu’ng malaman niyang ipapasyal ko siya, ang tanong ba naman sa akin ay kung sa buong Batangas ko raw ba siya ipapasyal? Diyos ko! Kung alam lang niya kung gaano kalaki ang buong Batangas. Wala akong anak na babae, kaya gusto ko na sanang iuwi ng bahay namin si Ryzza,” masayang kuwento ni Ate Vi.

Magka-college na ang bunsong anak ni Ate Vi na si Ryan Christian. Kahit hindi pinalad na magkaroon ng anak na babae, sobra ang ginawang pagsasakripisyo ni Ate Vi sa pagbubuntis niya kay Ryan. “Mahirap na kasi ang pagbubuntis ko noon. ‘Kita n’yo naman, si Ryan ang unang dahilan kaya iginib-up ko na noon ang ‘Vilma!’ show ko at ang pagsasayaw ko. Ganu’n kahalaga para sa akin ang bunso kong anak,” wika pa ni Ate Vi.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

2 thoughts on “Gov. Vilma Santos, sinugod ni Ryzza Mae Dizon

  1. i love ms. vilma santos. she’s the only philippine actress i truly admired. thanks for always featuring her in your column. GODspeed!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.