Gov. Vilma Santos, proud mother in son Ryan Christian’s achievements!

SA PANAYAM NANG talk show na Paparazzi kay Governor Vilma Santos noong nakaraang Linggo, ibinuhos ng butihing gobernador ng Batangas ang kanyang damdamin sa kanyang dalawang anak na lalaki, kung anu-ano ang mga ugali ng mga ito at kung gaano niya kamahal ang dalawa. Nang tanungin si Ate Vi kung ano nga ba ang pananaw niya sa kanyang bunsong si Ryan Christian ngayong nagbibinata na ito, isang mahabang paliwanag ang kanyang sagot.

“My God, si Ryan? Basta si Ryan Christian sobrang mahal ko ‘yan kasi napaka-suwerte niya. Dahil si Ryan, ‘yung anak na naalagaan ko mula baby. Si Lucky hindi, eh. Kasi si Lucky, pagkaanak ko kay Lucky after two months, nagtrabaho na ako ulit, eh. Because that was the time na naging flawed ‘yung buhay ko financially. Pero si Ryan, talagang tutok na tutok ako.

“Nasubaybayan ko mula nu’ng pinanganak habang lumalaki hanggang ngayon, so kitang-kita ko ‘yung growth ng anak kong ito ,kung papano siya naging very very responsible as an intelligent young man. Kaya lang nakabantay rin ako, lagi akong kaibigan sa kanila.

“Liberal ako, binanggit din niya kanina meron din time nanay ako, meron din time kaibigan. I’m a liberated mother, pero pagdating sa academic, ‘yung mga responsibilities, nagwa-one-on-one kami n’yan. Minsan ‘pag nakikita kong may dipirensiya, sinasabi ko sa kanya, son let’s talk I want to talk to you.”

Very proud din si Ate Vi sa achievement ni Ryan Christian dahil nanalo ito sa Balagtasan sa kanyang school sa La Salle Greenhills. Tanong pa ni Nanay Cristy Fermin kung paano niya ito napagwagian gayong isa siyang Inglesero, proud namang sinagot ito ni Ryan nang nagpaturo siya sa kanyang Mommy Vi.

“Oo pati ‘yung pronunciation nu’ng Tagalog, tapos pinaulit-ulit ko. Tsaka ang hirap, kasi ‘yung Tagalog word, ipapaliwanag mo pa sa kanya kung ano ‘yun. Para masabi niya nang tama at the same time maintindihan niya ‘yung sinasabi niya.

“Kaya nu’ng nanonood ako sa school nila sa La Salle Greenhills lumaban, nag-Balagtasan tapos nag-interpretative reading, ‘yung makuha niya ‘yung sa Tagalog… Diyos ko talagang sumisigaw ako, tapos sabi ni Ralph (Recto) na umupo ka d’yan, ang ginawa ko talagang sumisigaw ako. Kaya ‘yun pinagtatawagan ko kayo. Talagang proud na proud ako sa anak ko I’m proud of you anak, proud of you.”

 

HINDI NAKAPLANONG MA-INTERVIEW namin si Alma Concepcion sa isang birthday party. Nahila lang kasi kami ng nire-respeto at ginagalang na manunulat at TV host na si Ma’am Aster Amoyo sa party ng anak ni Tacloban Councilor Kring Kring Gonzales sa may Forbes Park noong Sabado.

Maraming mga bisita sa magarang mansion ng mga Romualdez at isa na nga rito ang beauty queen na si Alma Concepcion. Malaki na ang anak niyang si Kobe, 11 years old na ito at napaka-sweet sa kanya.

Kuwento pa ni Alma sa amin na full time student siya ngayon sa UP at Interior Design ang kanyang kurso. Naiilang nga raw siya sa kanyang mga kaklase dahil ang babata pa raw ng mga ito. Pero ang bawi niya, baka raw ga-graduate siyang cum laude kapag na-maintain niya ang kanyang magandang grado. Good luck!

 

Follow me on Twitter, @arnielcserato; Tutok lagi sa Juicy, daily (10 am), TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, TV5; at sa Cristy Ferminute, daily, 4 to 5:45 PM, Radyo Singko, 92.3 newsFM at Aksyon TV Channel 41.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

3 thoughts on “Gov. Vilma Santos, proud mother in son Ryan Christian’s achievements!

  1. Mag isip ka ng mabuti Luis… Maraming babae dyan. Mag hanap ka na lang ng non showbiz girl para di magulo ang mundo mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.