Gov. Vilma Santos, natuto sa pagbabayad ng napakalaking buwis

Vilma-SantosLAGING SINASABI ng Star for all Seasons na si Governor Vilma Santos-Recto na wala na halos siyang mahihiling pa sa Diyos dahil sa mga suwerteng naipagkaloob sa kanya. Health ang lagi niyang ipinagdarasal, dahil ang dami-dami pa raw niyang gustong gawin. Masaya ang kanyang pamilya, dahil mabait ang kanyang husband na si Senator Ralph Recto, at nabiyayaan siya ng mababait na mga anak, sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto.

Wika ni Gov. Vi, lalo niyang natutunan ang magpasalamat na lang nu’ng matapos niyang pagdaanan ang pagbabayad sa BIR ng napakalaki niyang pagkakautang. Alam daw niya noon na sikat pa siyang artista, pero hindi niya pinanghawakan ang kasikatang iyon. Ang alam daw niya noon, natakot siya sa sitwasyon na ang laki-laki pala ng utang na dapat niyang pagbayaran, kaya ang career niya ay pupuwede ring mawala.

Ipinagmamalaki rin ni Ate Vi, na pagkatapos ng pinagdaanan niyang ilang taon sa pagbabayad ng kanyang utang, nagsimula nang gumaan ang maraming sitwasyon. Ang dami pa rin niyang nagawang pelikula, at napunta na nga siya sa pulitika. Pero sa panahon daw kanyang pagkakautang ay ipinagpapasalamat ng Mommy ni Luis, na marami sa kanyang naipundar sa pag-aartista noon ay hindi niya naibenta dahil mahalaga para sa kanya kung ano ‘yung mga nabili na niya mula sa kanyang kinita sa pag-aartista.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

3 thoughts on “Gov. Vilma Santos, natuto sa pagbabayad ng napakalaking buwis

  1. Ang mga patay-gutom, makapanira lang. Kung may ebidensiya kayo, punta kayo ng Ombudsman at ireklamo nyo ang isang Vilma Santos. Hwag satsat nang satsat. Puro kayo dakdak kaya hayan at pulubi pa rin kayo hanggang ngayon. Ang alam kong minamalas at kinakarma ay ang mga artistang laos na at wala nang support ng publiko. Ang mga artistang wala na nga’ng pera ay wala pang suporta ng madlang pipol. Iyan ang mga taong pinarurusahan ng Diyos pero hindi ang isang Vilma Santos.

    • ang mga noranian talaga kahit saan sinusundan si vilma santos para manira lang. ang tindi na ng karma niyo mga walang-modong noranians!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.