Gov. Vilma Santos, naghihintay na ng apo mula kay Luis Manzano

“APO.” ITO ang naging sagot ni Gov. Vilma Santos sa nakaraang presscon ng Ekstra na mapapanood na sa August 14 nang tanungin siya kung ano kayang extra blessing pa ang puwede niyang hilingin na magkaroon siya.

Nang makausap naman namin ang Star For All Seasons at nang tanungin namin tungkol dito, ipinaliwanag naman ni Gov. Vi na nasa anak pa rin nitong si Luis kung gusto na ba nito o hindi pa, lalo’t hindi naman ugali ng aktres na pakialaman ang personal na buhay at desisyon ng anak.

Matagal nang gustong gumawa ng indie film, pero naghihintay lang ng tamang script, nang tanungin siya muli ni Atty. Joji Alonzo, pagkatapos ng tatlong taon nang pagpapakita sa kanya nito ng iba’t ibang scripts, kung open pa siyang gumawa ng indie film, at nang sabihing tungkol sa isang ekstra ang magiging role niya, agad na umoo si Gov. Vi. At sa loob lamang ng isang linggo, nasarado na agad ang usapan.

Sa pressscon ay natanong din ang Star For All Seasons sa isang indie film na pagsasamahan sana nila ni Ms. Nora Aunor at Coco Martin sa ilalim ng direksyon ni Direk Brillante Mendoza. Ipinaliwanag naman ni Gov. Vi na bukas siyang makatrabaho ang Superstar dahil apat na beses na silang nakagawa ng pelikula na magkasama. Sa ngayon ay naghihintay lang siya ng script, pero wala pa ring dumarating sa kanya.

Tinanong din na kung magiging ekstra siya sa mga sikat na young stars natin ngayon, kanino niya gustong mag-ekstra? Ayaw magsabi ni Gov. Vi ng pangalan para iwas-intriga na rin, pero ang role ng isang katulong ang role na gusto niyang gampanan kung mabibigyan siya ng tsansa.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

One thought on “Gov. Vilma Santos, naghihintay na ng apo mula kay Luis Manzano

Leave a Reply

Your email address will not be published.