Gov. Vilma Santos, magdiriwang ng 50 years sa showbiz!

TO STAY five decades in showbiz is a rare feat. Only a few can endure this long. Showbiz is a cutthroat business. Maaaring sikat ka ngayon nga-yon, pero bukas ay wala nang nakaaalam sa pangalan mo. Sa tagal ko sa industriya, marami na akong nakitang dumating at umalis.

Batangas Governor and Star for All Seasons Ms. Vilma Santos will soon celebrate her golden anniversary in showbiz. Gov. Vi might have her fair share of hits and misses, successes and failures pero hanggang ngayon ay kanya pa rin ang korona at trono.

Gov. Vi started her career as a child star in Trudis Liit kung saan siya nanalo bilang FAMAS Awards Best Child Performer noong 1963. Throughout her illustrious showbiz career ay binigyan niya ng buhay ang iba’t ibang karakter na kanyang ginampanan tulad sa mga pelikulang Lipad Darna Lipad, Burlesk Queen, Relasyon, Broken Marriage, Sister Stella L., Alyas Baby Tsina, Tagos ng Dugo, Pahiram ng Isang Umaga, Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story, Bata Bata Paano Ka Ginawa, Anak, Dekada ‘70, at In My Life.

Kuwento ni Gov. Vi tungkol sa kanyang nalalapit na anniversary, “Magkakaroon ng book launch. Open po [sa] lahat kung sino man ang gustong maki-celebrate dito sa movie industry kung saan ako lumaki at pinagkaka-utangan ko po ng loob. I will be celebrating it anytime November this year.”

Bahagi ng kanyang golden anniversary ay ang pelikula niya na The Healing under Star Cinema. “Tuluy-tuloy na iyong gagawin naming shooting. May mga aaba-ngan silang suspense. Excited ako to do one movie again with Kim Chiu, Pokwang, Janice de Belen [and] directed by Chito Roño.”

Matagal na si Gov. Vi sa industriya at bahagi na ng kanyang buhay ang mga kontrobersiya. Hindi ba’t may mga nagsasabi na sikat na ang isang artista kapag inuulan na siya ng mga intriga? Isa sa mga paboritong itanong ngayon kay Gov. Vi ay ang tungkol kay Luis. Handa na ba siya kung sakaling magpakasal na si Luis sa kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado?

“Hindi ako [ang] magde-desisyon noon. Ayokong makialam! Mature na iyong anak ko para magdesisyon sa buhay niya. Hindi ko ma-imagine kapag nandoon na siya sa simbahan. Hahagulgol ako pero okay lang. [Kung] saan liligaya ang anak ko, doon ako.” At kung gaano ka-supportive si Gov. Vi kay Luis when it comes to his lovelife ay ganito rin siya pagdating sa career ng kanyang anak. “I heard siya ang magho-host ng Deal or No Deal. He is very serious with his job. I am here, anak, to support you. I will pray for you. I’m proud of you. I love you, Lucky!”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Related Post

loading...

9 thoughts on “Gov. Vilma Santos, magdiriwang ng 50 years sa showbiz!

  1. Pingback: Vilma Santos News 2012 « Star For All Seasons

  2. Sana gawin sa teatro ang sr Stella l, dekada 70, burlesque queen, pagputi ng uwak, relasyon, Bata Bata paano ka ginawa,  dami material na pang stage ang film ni vilma, at Sanaa meron din film festival ng mga best movies ni vilma sa ccp o sa up kaya. Suggestion po

  3. Mula noon hangga ngayon, ang dedikasyon ni Vilma sa kanyang buhay showbiz ay hindi kumukupas.  Palaging makikita kay Vilma yung energy sa mga proyektong kanyang tinatanggap. Tanging si Vilma ang nag-iisang artista na binigyan ng Star Cinema ng karangalan na mag-pelikula kung kailan siya maaring mag shooting.  Isa itong respeto sa pagka-artista ni Vilma. Respetong iginagawad lamang ng mga taong nagpapahalaga sa tao, taong kilala nila ang pagkatao, respeto at pagmamahal sa kanyang trabaho at sining!  Ang didiplina ni Vilma sa kanyang sarili ay nakaka-bilib.  Ilang malalaking pangalan na ba ang lumutang sa industriya ng pelikula para lamang bumulusok paibaba dahil sa nawalan ng pagpipigil sa sarili…kinain sila ng showbiznes, kung saan ang yabang at pagmamataas ay kusang tumutubo at lumalago, kapag hindi ito kayang supilin ng may katawan. At ito ang malaking kaibahan ni Vilma sa marami niyang ka-trabaho sa industriya ng pelikula, mentras tumataas ang kanyang kalidad ay lalo namang nagpapakababa si Vilma T. Santos! Mabuhay ka, Ate Vi, at maligayang pagdiriwang sa iyong ika-50 taon ng  pagiging alagad ng sining! Vilmanians are so proud of you!

  4. Nakakabilib si Vilma!Limang dekada ng walang-kupas na kasikatang patuloy na nagniningning!Ibang klase ang suporta at pagmamahal ng publiko kay Vilma.Nakita naman kasi ng lahat kung paano niya minahal at inalagaan ang kanyang pangalan,talento at galing sa akting.Kaya hindi nakapagtatakang abutin pa niya ang ilang dekada na sa kanya lamang iniluklok ng samabayanang Pilipino!

  5. Thanks Mr.Abunda ! True Vilma Santos a TRUE Superstar in the real essence of the word. Her achievements in 50 years is beyond comparison
    That’s why she was referred as STAR FOR ALL SEADONS never fades…Her service to the people as a Governor is being commended and envied because of her genuine dedication for their well being and not for her own personal interest. The Philippines needs a good leader like her..dedication ,honesty , and action..that’s why Vilma will always be A ShiningStar for All Season..GOD BLESS you Governor and Queenstar Vi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.