Gov. Vilma Santos, inayawan ni Luis Manzano na makasama sa movie

Vilma-Santos-Luis-ManzanoLAGI NAMANG matiyagang maghintay ang Star Cinema sa availability ni Governor Vilma Santos-Recto para gumawa ng project. Kaya maghihintay na lang ulit ang Star For All Seasons ng bagong project, dahil hindi uubrang magkasama sila nina Luis Manzano at Angel Locsin sa isang project sana na pagsasamahan nila. Malaking respeto sa pagtanggi ni Luis ang dahilan, kaya umayaw na rin si Ate Vi na matuloy ang nasabing plano.

Hindi lang naman ngayon nagawa ni Ate Vi na ipagpaliban na lamang ang paggawa ng isang pelikula kung may isa sa kanyang mga makakasama na umaayaw dahil sa personal na dahilan. Noon daw panahong nagkahiwalay sila ni Edu Manzano, maraming alok na pagsamahin sila sa pelikula. Pero dahil hindi kumportable si Edu sa project na magkasama sila dahil nga sa isyu ng hiwalayan nila, hindi na muna sila nagsama sa project, kundi pagkalipas pa ng ilang taon.

Inirerespeto rin ngayon ni Ate Vi ang pag-ayaw ni Luis tungkol sana sa muli nilang pagsasama sa pelikula.

“Bilang mommy niya, marami nang desisyon si Luis sa kanyang buhay na nakabibilib para sa akin. Hayun, para sa kanya, naniniwala ako. Kahit si Doods (Edu), bilib din sa maraming kayang desisyon ni Luis sa kanyang buhay. Sa career man o sa pagnenegosyo,” banggit ni aktres.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.