GOV. VILMA SANTOS, INAMBUSH?!

HINDI NA KAMI magbabanggit ng pangalan, ha? Alam n’yo na siguro kung sinu-sino ang tinutukoy. Pero may bonggang pagtataka lang kami.

Ba’t gano’n?  Ayaw talagang tumigil ng iba at ipipilit nilang bakla si Actor A, si Actor B at kung sinu-sino pa?

Ano ‘yan? Hangga’t hindi umaamin, hindi nila tatantanan ‘yung mga aktor? Nai-blind item na, pinangalanan pa ng iba, so ano pa? Gusto, sa sarili pang bibig ng mga aktor manggagaling ang mga salitang, “Opo, bakla po ako!”

Hayaan na natin sila. As long as hindi ka naman inaano nu’ng mga aktor at nagtatrabaho lang naman sila, eh ano’ng problema mo, ‘di ba?

Porke hindi ka bakla at naaamoy mong bakla ang ilang aktor, hindi ka na titigil? Ano ‘yan? Nakakatulog ka ba sa gabi?

Eh, sa totoo lang, ‘yung iba nga, kahit bina-blind item pa nilang bakla si Actor A at Actor B, gusto pa rin naman nilang hadahin ang mga aktor na ito.

‘Di ba? So ano ‘to? Inggit? Porke hindi ka biniyayaan ng ganu’ng mukha at ganu’n katipunong katawan, pababagsakin mo na sila na nagtatrabaho lang naman at hindi ka naman ginagawan ng kasalanan?

Hay, nako… ‘yun na lang ang nasabi ko. Tigilan na ang crab mentality. Level up na tayo.

Hindi porke mataray ka’t dapat kang katakutan, eh kailangang maglumuhod sa inyo itong mga ibina-blind item n’yo.

Oo naman, nagba-blind item din kami, pero “level up” na ang pagba-blind item ngayon dapat. At alam nila kung ano ang ibig naming sabihin.

Tingin muna sa salamin.

SA MGA NAG-AALALA sa kalagayan ngayon ni Ate Vi, hindi po totoo ang kumalat sa text na siya’y in-ambush kahapon ng umaga. Ang totoong in-ambush ay ang assistant ng executive secretary niya.

At ito talaga ang target at hindi siya.

Kaya nga nag-BBM kami kay Ate Vi na siya’y mag-iingat nang husto dahil alam n’yo naman ang puntirya ng masasamang loob, ‘yung mga taong matitino at mabubuti.

KELAN KAYA UUWI rito si Maria Aragon? Ang batang instant sikat, dahil sa sobrang idol si Lady Gaga, kaya sinimulan ang “krusada” para mapansin ni Lady Gaga sa pag-a-upload sa YouTube ng mga recordings nito.

Ayan, successful si Maria at napansin talaga siya ni Lady Gaga at natupad na rin ang wish niyang magkita sila’t magka-duweto. Taray, ‘no?

Pag-uwi talaga niyan, sobrang tight hug ang ibibigay namin sa kanya bilang tanda ng sobrang proud namin sa kanya.

TINITIRA ANG HAPPY, Yipee, Yehey! ngayon, dahil daw sinalo ang SexBomb at ibinalik ang “Pera O Bayong”.

Ano’ng problema ng mga taong ito? Palalain ba ang problema, eh hawak naman nila ang remote control ng TV nila at puwede naman nilang ilipat sa ibang channel ang pinanonood nila?

‘Kalokah, ‘di ba? Hindi bale sana kung constructive ang tira ng iba. ‘Yung iba, gusto pang pagpahingahin ang show, dahil wala naman daw kuwenta.

Hindi naman overnight success ang natatamo ng isang produkto o show, eh. It will take time para makuha ang pulso ng masa.

So, ‘wag mainip. ‘Pag nainip, talo.

Kung walang magawa, basahin ang aming mga emote sa http://www.ogiediaz.blogspot.com at puwede n’yo rin kaming i-follow sa twitter @ogiediaz.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

5 thoughts on “GOV. VILMA SANTOS, INAMBUSH?!

  1. dun sa isang BI, may alam akong isang matandang writer na ginagamit ang diyaryo na pinagsusulatan niya para makapanira at tirahin ang mga aktor na ayaw pumatol sa kanya. galit na galit din ang matanda at laos na writer sa pinakasikat at iginagalang na aktres-politician dahil feeling niya eh dinedma siya nito ng mag-shooting ang aktres sa iabang bansa. ilang taon na ang nakakalipas, hindi pa rin maka-move on ang matandang writer kaya puro imbento at paninira ang sinusulat sa pinakamaningning na aktres sa bansa

    • Si Alfie Lorenzo ba itong tinutukoy mo? May nabasa kasi akong blind item noon about sa alitan nina Alfie at vilma dahil hindi daw ito napansin ni Vilma si Alfie doon sa New York ba yon? Yong blind item parang si Alfie Lorenzo at Vilma ang tinutukoy.

  2. ogie, ganyan talaga ang mga taong masasama ang ugali. Happy sila pag meron nadadapa. Wa akong paki kung sinasabi nila na mababa ang rating ng HYY. Suportahan ko pa rin sila. At least meron tayong alternative noh! :-)

    • Ako rin orkidia, i will support HYY at lahat ng mga kaibigan dito sa tate, tinututukan talaga at ang karamihan sa kanila na noon ay die hard na willie fans, hindi na ngayon. Noon gustong gusto talaga nila si Willie pero nag dumating ang HYY, they switched to HYY, sa totoo lang, nakakaaliw talaga ang HYY. Hindi boring. Yong sa segment ni John Pratts parang a little slow or ewan ba, hindi ko trip ang segment na yon. I like yong games nila at the end, nakakatawa lalo na yong belt na hindi kasya ni Bentong, tawa ako ng tawa at makikita mo talaga sa studio audience na pati sila nakikisama sa game at naaaliw at panay cheer.

Leave a Reply

Your email address will not be published.