Gov. Vilma Santos goes to US for ‘In My Life’ movie shoot

KAHAPON LANG UMALIS patungong New York si Gov. Vilma Santos para sa halos isang buwang shooting nito sa In My Life movie ng Star Cinema.

Kasama nga nitong lumipad ang mahal na asawang si NEDA Director Ralph Recto at anak nilang si Christian.

Excited ang mga kapwa-Vilmanians na nasa New York at New Jersey na nag-iskedyul na talaga ng kanilang mga bakasyon para matutukan ang nasabing pagtatrabaho cum aliw du’n ng mahal nating kaibigan.

Bago pa man lumipad si Ate Vi, may napakagandang pangyayari siyang iniwan sa mga nagmamahal sa kanya. Pinarangalan kasi siya ng Mindanao University para sa kanilang Gawad SURI award for 2009. Tapos anytime soon, ilalabas na ang latest commercial na kanyang ginawa.

Dapat pa bang pagtakhan ang isang Star for All seasons?

MAY PANGHIHINAYANG NAMAN si Angel Locsin dahil hindi niya makakasamang mag-celebrate ng kanyang kaarawan si Luis Manzano. Hindi na nga mangyayari ang plano nilang pagkikita sa New York, dahil kailangan sa promo ng bagong teleseryeng Only You ang magandang aktres.

Kahit daw secure na secure si Luis sa pagmamahal ni Angel sa kanya, bakit tila naapektuhan ito ng klase ng promo na nalilikha for Only You. Sa nasabing promo blitz kasi, pinalalabas na parang nag-enjoy sa kanilang mga intimate moments sa Korea sina Sam at Angel bilang lovers sa serye.

Ayon pa sa nakarating sa aming text messages, panay-panay raw ang tawag at usap nina Luis at Angel everytime na lalabas sa mga tv shows ang aktres para lang siguruhing hanggang promo nga lang ang lahat. Nakakaloka, ‘di ba? Hahahahaha!!!

AT DAHIL BALIK mga demanda na nga tayo, mukhang hindi naman matitigil ang isyu kina Tita Annabelle Rama at GMA executive Wilma Galvante.

Pareho na ngang nagsampa ng mga kaso sa isa’t-isa ang dalawa at nitong huli, may hirit pa si Tita Annabelle na may kinalaman ang GMA 7 executive sa nangyaring gulo naman sa pagitan ng PEP at anak na si Richard Gutierrez.

Mga text messages din ang nakarating diumano kay tita Annabelle na nagsasabing may kinalaman nga si Ms. Galvante sa istoryang inilabas ng PEP na ngayon nga ay nauwi na sa demanda.

Grabeng mga text messages talaga, nakakasira na, gusto pang makamatay, hay!!!

LAGI RIN KAMING nakakatanggap ng mga kagayang mensahe, pero ang mga kuwela lang ang pinapatulan namin. Gaya ng pinakakuwela na marahil recently ‘yung kay OMB Chairman Edu Manzano na regular pala naming listener sa daily teleradio show naming Talakan sa DZMM.

Halos mabuwang nga raw siya sa katatawa nang pakantahin namin ng partner kong si Ahwel Paz ang dalawang mataas na opisyal ng Philippine Navy. “At nagawa ninyo pang pabatiin ng ‘bonggang-bonggang talakan,'” ayon pa kay OMB Chairman Edu.

Kaya nga pinahahanda na namin si Chairman Edu na bisitahin din kami, dahil kapag natikman na niya kami ni Papa Ahwel sa Talakan, tiyak na hindi lang siya kakanta at sasayaw patungo sa Senado, hahahaha!!!
“Game,” ang buong puso nitong isinagot.

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

One thought on “Gov. Vilma Santos goes to US for ‘In My Life’ movie shoot

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #53

Leave a Reply

Your email address will not be published.