Gov. Vilma Santos, ‘di pa rin maka-move on sa pagkawala ng sekretarya

Vilma-SantosMAGALING NA sa kanyang nose infection si Batangas Gov. Vilma Santos. Pero ‘yung depression sa biglaang pagkawala ngmatagal na niyang trusted secretary at guardian ng kanyang mga anak na si Tita Aida Fandialan ay hindi raw agad nawawala.
“Alam n’yo naman ang nangyari, ‘di ba? Mahirap mawalan ng tao na matagal mong naging kasama tapos sa akin pa nakatira,” pahayag pa ng Star For All Seasons.
Matagal bago hindi humarap sa press si Ate Vi dahil sa depression at sakit, pero nu’ng Monday, nakausap na rin siya finally ng movie press para sa launching ng event na Ala Eh Festival sa Batangas na magsisimula sa Dec. 1 till Dec. 8.
“I’m better now. Okey na ako. Wala na yung infection sa nose ko,” balita niya sa press. “Nami-miss ko na nga ang showbiz, gusto ko nang mag-syuting ulit,” dagdag pa niya.
Kinumpirma na rin ni Ate Vi na may gagawin nga siyang pelikula kasama si Angel Locsin sa Star Cinema. Dapat nga raw aymay test shot na sila nu’ng early week ng November kaya lang hindi nga ito natuloy dahil bumaba nga ang kanyang immune system.
Sa January ay malamang daw na magsimula na sila ng syuting ng pelikula na posible raw idirek ni Olive Lamasan.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.