Gov. Vilma Santos at Nora Aunor, gagawan ng pelikula sina Cory Aquino at Gloria Macapagal Arroyo?!

OLA CHIKKA now na! oh, no… oh, yes… now na! Pak na pak na naman tayo ngayon because thanks God it’s Friday na naman! Marami ang maloloka sa chikka ko ngayon at magugulantang sa Earth! Ano, ready na kayo?

Nora Aunor at Vilma Santos gagawa ng pelikula tungkol sa parehong naging pangulo ng Pilipinas! Naku, ‘pag natuloy ito, showbiz politics ang dating. Kasi nga, take note, si Ate Vi, ang gagawing pelikula ay tungkol sa buhay ng dating presidente Cory Aquino, at si Superstar Nora naman ay buhay ng dating presidente Gloria Macapagal Arroyo.

O, ‘di ba? Bonggacious na naman ang labanan ng mga Vilmanians at Noranians. Walang katapusan, maging sa pulitika at showbiz ay walang humpay na nagpapatalbugan. Ang tanong: alin kaya ang tatangkilikin ng mga manonood – ang pelikula ni Gov. Vi o ang pelikula ng nag-iisang Superstar?

Magigising na naman ang bakbakan ng mga Noranians at Vilmanians. Ang tanong: true ba ito? Ang alam ko, ‘pag natigok na ang dating pangulo, posibleng matuloy ito, ‘di ba?

Pero magandang suggestion ito ‘pag nagkataon. Kasi nga naman, si Vilma ay may hawig kay Cory, at si Nora naman ay talagang kamukha ni GMA.

Pero take note, kanino kaya talaga ang mas magki-click na eksena, sa gumaganap kaya, o sa story ng buhay o alive pa, o sa wala na?

Abangan na lang natin kung kanino ang mas effect? ‘Yun na!

 

PAREHAS NA sosyalera sina Kris Aquino at Gretchen Barretto, pero may pagkakaiba sa pakikitungo sa mga katrabaho.

Kaloka, as in mabubuwang ka sa Earth sa mga chikkang nakarating sa akin. Ito raw si Greta ay gustung-gustong makasama ng mga katrabaho sa taping o pelikula, kasi pula raw ang kanilang mga hasang, as in bundat silang lahat. May almusal, tanghalian at hapunan, may meryenda pa. Kasi nga, dinadala raw nito ang lutuan sa location sa shooting, at walang ginawa kundi magpaluto nang magpaluto ng kung anik-anik at sama-sama silang kumakain.

Ganu’n din si Kristeta, dala rin lahat ang lutuan at paluto nang paluto ng kung anu-ano sa kanyang mga maid. Pero take note, siya lang ang kumakain at ang mga kasamahan niya… nganga!

Kaya gustung-gusto raw ng mga production staff at lahat ng mga crew ‘pag si Greta ang kasama, pero ‘pag itong si Kristeta… look na lang sila sa sky, at nganga, as in hindi man lang siya marunong mag-share.

Over my dead body, hindi ko ma-take ‘yan, huh! True ba?! Eh, alam naman nating all out siya, ‘di ba? Naku, kung true ‘yan, dapat mag-share ng blessings, ha?!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

5 thoughts on “Gov. Vilma Santos at Nora Aunor, gagawan ng pelikula sina Cory Aquino at Gloria Macapagal Arroyo?!

  1. Pingback: Vilma Santos News 2012 « Star For All Seasons

  2. ay naku tita swarding magkapagsulat lang ng article basta may maisulat wala naman kakwenta kwenta at walang katotohanan…..bakit balahat ng mga taga showbiz na writer, reporter or director ang papangit na ng mga mukha puro pa badingerzy.

  3. Ang ugali ni Kris sinasabi niya na nagbibigay siya pagka-kaharap ang camera pero pag walang camera madamot at makasarili daw yan. Nabasa ko na dati ito dun sa isang website.

  4. matagal nang chismis yang gagawa si nora at vilma ng movies nina GMA at cory, hindi naman matuloy tuloy, so that’s a mere gossip.

    we all know naman swarding na ayaw mo kay kris noon pa lang so i expected na laging negatibo ang isinusulat mo sa kanya (gaya ni vice ganda). what’s new sayong mga isinusulat swardingan? 

Leave a Reply

Your email address will not be published.