Gov. Vilma Santos, aminadong marami siyang pelikulang palpak!

NAG-REACT SI Vilma Santos sa naging pahayag ng ilang press sa ginanap na presscon ng Ekstra sa Dolphy Theater kamakalawa tungkol sa naging reaction daw ng mga nakalaban niya sa Cinemalaya Independent Film Festival sa Best Actress category.

Sabi raw ng mga nominado rin sa pagka-Best Actress: “Naku! Vilma Santos ‘yan! Wala na tayong laban. Siguradong panalo na ‘yan!”

“No! Hindi tama ang ganyang paniniwala. Hindi naman porke’t nagka-best actress awards ka, ikaw na ang pinakamagaling. Ang dami ko ring ginawang pelikulang palpak,” say ni Gov. Vi.

Ayon pa sa Star For All Seasons, hindi raw porke’t sinabi na Box-Office Queen siya, ibig sabihin ay kumita ang lahat ng pelikula niya.

“Mayroon din po akong flop. At alam ninyo ‘yun, Sister Stella L.,napakalaking flop. Kasabay ko nu’n Bukas Luluhod ang mga Tala ni Sharon Cuneta. Pinaluhod talaga ang Sister Stella. Pero isipin ninyo, hanggang ngayon kapag binanggit ang pangalan ko, nandiyan ang Sister Stella L. It’s the prestige. So walang dapat ikatakot. In my case now na more than half of my life ay nandito ako sa industry, it’s still a learning process. No such things as magaling ka na,” pahayag pa ni Ate Vi.

Samantalang inamin din ng Star For All Season na gusto na niyang magkaroon ng apo. Pero tila matatagalan pa raw dahil marami pa raw pangarap sa buhay ang anak niyang si Luis Manzano.

Wala rin siyang masasabi kay Jennylyn Mercado na laging nandiyan para sa kanila at nakasuporta sa anak na si Luis.

Hindi raw niya pinakikialaman ang mga anak pagdating sa pagdedesisyon sa kanilang buhay, lalo na pagdating sa kanilang lovelife. Basta nakasuporta lang daw siya sa mga anak. Kung saan daw maligaya ang mga ito, maligaya na rin siya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Gov. Vilma Santos, aminadong marami siyang pelikulang palpak!

  1. kahit palpak sa takilya ang sister stella isa naman yan sa best movies of all time sa pilipinas… award winning!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.