Gov. ER, tamad! – P-noy

‘TAMAD ANG gobernador ng Laguna!’ Ito ang tila nais ipahiwatig ni Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III sa kanyang talumpati nang magtungo ito sa San Pablo, Laguna para sa proclamation rally ng LP, kasama ang mga senador ng Team Pnoy noong Pebrero 14.

Halos hindi nga raw nagpapakita sa kanya si Governor ER Ejercito sa tuwing magtutungo ang pangulo sa nasabing lalawigan.

“Dito sa Laguna, ang pinakamataas na opisyal (patungkol sa gobernador) ay hindi maintindihan. Dalawang beses niya akong pinaghintay sa aming meeting. At sa dalawang pagkakataong iyon ng aming meeting, kundi man patapos na kung siya’y dumating, paalis naman ako pasakay ng helicopter.”

Idinagdag pa ni P-Noy na sa lahat ng mga lokal na opisyal, nagtataka umano siya kung bakit bukod-tanging si Gov. ER ang ‘di sumasalubong sa kanya at ayaw siyang makita.

Noong nag-meeting naman sila tungkol sa matagal nang problema ng pagbaha sa Laguna ake at sa mga nakapalibot na mga bayan dito at para mag-usap sa plano para sa Laguna Lake, binaligtad pa umano ni Gov. ER ang kanilang napagkasunduan sa meeting.

Tanong nga ni P-Noy: “Anong klaseng tao ‘yan?”

Ayon naman sa mga cause-oriented groups at civil societies ng Laguna, na nakikiisa at naniniwala sa mga programa ng pangulo kontra korap-syon at para sa tuwid na daan, ipinagtataka rin nila kung bakit kaila-ngang igiit ni Gov. ER ang dredging ng Laguna Lake na gagastos ng bilyun-bilyong piso gayong hindi naman makatutulong sa pagresolba ng baha kaya hindi inaprubahan ng national government.

Dahil dito, anila, hanggang sa ngayon ay hindi masolusyonan ang baha sa Laguna na tumatagal nang mahigit limang buwan.

Ayon naman sa mga mag-aaral na iskolar ng probinsiya, nakararanas umano sila na pumunta nang ala-una ng hapon at pinaghihintay ng hanggang alas-dos ng ma-daling-araw sa ospisina ni Gov. ER.

Tanong pa ni Gng. Ofelia Cruz, ina ng isa sa mga iskolar, hindi niya maintindihan kung bakit kailangang si Gov. ER pa ang personal na mag-abot ng scholarship sa mga bata, kung nalalagay naman sa bi-ngit ng peligro ang mga estudyante para makuha lang ang scholarship na nanggagaling din naman sa buwis ng mga mamamayan ng Laguna.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.