Gov. ER, Gov. Vi, CGMA, atbp, pinabababa sa puwesto

PINABABABA NG Commission on Elections (Comelec) sa puwesto sina Laguna Gov. ER Ejercito, Batangas Gov. Vilma Santos-Recto at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, dahil sa pagkabigong magsumite ng Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) matapos ang eleksyon.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, kabuuang 422 kandidato kabi-lang ang 20 kongresista, apat na gobernador at 26 alkalde ang hindi nakapag-comply at dapat nang umalis sa posisyon.

Sinabi ng opisyal na dapat ay nakapaghain ng SOCE ang mga nanalo sa loob ng isang buwan matapos ang halalan. Bukod sa mga hindi nakapagsumite, kasama na rin sa bilang ang mga hindi pumirma at mali ang ginamit na form.

Ang Kongreso at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang magpapatupad ng atas ng Comelec.

Bukod sa tatlong unang nabanggit, kasama rin sa pinaaalis sa posisyon sina Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon, Pangasinan Gov. Amado Espino, Ilocos Sur Gov. Ryan Luis Singson, at Pasay City Mayor Tony Calixto.

Aniya, maaari pa namang makabalik sa puwesto ang mga nanalong kandidato kung maghahain ng tamang SOCE na may karampatan nang administrative fine.

Binalaan din ni Brillantes ang mga pulitiko na seryosohin ang batas lalo’t hindi sila marunong magbiro. “Alam naman nila ang batas. Alam naman nila ang pinag-agree-han namin.”

Lahat naman ng nanalong senador ay nakapaghain ng tamang SOCE.

Maaalala na bukod sa pagkabigong maghain ng SOCE, una nang dinis-qualify ng Comelec si Ejercito dahil sa overspending sa 2013 polls.

Samantala, idinepensa naman ni Senador Ralph Recto ang asawang si Gov. Vi sa harap ng pagpapababa ng Comelec.

Iginiit ng mambabatas na Hunyo 6 nang magsumite ng Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) ang gobernador at nabigyan din ng certificate of compliance noong araw na iyon. Mas maaga pa aniya ito sa nasabing deadline ng komisyon.

Ni-review pa nila ang SOCE at wala silang nakitang mali rito, dagdag pa ng senador.

Maging ang mga opisyal aniya ng Comelec Batangas ay nagulat sa inanunsyo ni Brillantes na hindi nag-comply si Santos.

Bumanat pa ang mambabatas na kung may mali man sa isinumite ni-lang dokumento, sana’y inabisuhan sila nang mas maaga para agad na naayos ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.