Gov. ER Ejercito, galit kay Mother Lily Monteverde!

HALATANG MASAMA ang loob ni Laguna Governor ER Ejercito, ang lead actor sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story directed by Tikoy Aguiluz, kay Mother Lily Monteverde dahil ito raw ang humaharang sa kanyang leading lady sa said movie na enrtry for 2011 MMFF na si Carla Abellana para mag-promote ng kanilang pelikula.

“Eh, hinaharang niya, eh. Siya ang humarang, eh. Siya ang humaharang. Ayaw niyang mag-promote si Carla, eh.

“Ang banggit sa akin ni Carla at ng kanyang manager na si Arnold Vegafria, ‘pag sila raw ay nag-promote, o pupunta sa presscon o sasakay sa float sa December 24, at kapag nanood sa premiere night, eh, idedemanda raw sila ng Regal Films.”

Kaya naman daw sa mga activities ng Asiong Salonga ay walang Carla Abellana na makikita. Pero hindi naman daw nagagalit si Gov. ER kay Carla at sa manager nito.

“Ah, hindi po. Du’n lang sa mga pumipigil sa kanya.”

Hindi na nga raw umaasa pa si Gov. ER na makakapunta pa sa kanilang premiere night si Carla, na ayon dito ay 50% ng pelikula ay nandu’n ang magandang GMA star. Pero wala raw itong magagawa kung may mga taong humaharang dito para sumuporta sa kanilang pelikula.

 

MAY PAHAYAG na ang GMA-7 kaugnay sa sinabi ni Rhian Ramos sa interview nito kay Pia Guanio kamakailan na magbabakasyon muna siya sa trabaho dahil na rin sa kontrobersyang kinasasangkutan nito ngayon.

Kung saan naglabas na ang GMA Network ng statement. “GMA Network received a request from its artist Rhian Ramos for a few weeks leave from her work schedule because of the trauma she is going through.
“She asked that she be replaced in The Beloved as she feels that she cannot give her best to the show given her current state of mind. She also asked for a few weeks leave from her other shows Manny Many Prizes and Party Pilipinas.”
GMA understands her request and will allow her to take some time out from her obligations to the network. Once she comes back from her break, she will resume appearing in her shows Manny Many Prizes and Party Pilipinas. She will also resume work on her new movie project with GMA Films.”

At sa naging pahayag ni Rhian, mukhang hindi na nga matutuloy pa ang partisipasyon nito sa bagong soap ng GMA-7, ang The Beloved at mapupunta na ito kay Carla Abellana na siyang napapabalitang papalit kay Rhian kapag itinuloy nito ang planong pagbabakasyon muna.

 

MASAYA ANG young actor na si Hiro Maga-lona at kasama siya sa ‘Parola’ episode ng Regal’s “Shake, Rattle & Roll 13.” Nag-enjoy raw kasi itong katrabaho ang mga ABS-CBN stars na sina Kathryn Bernardo at Sam Concepcion na first time nitong nakasama since taga-GMA siya at taga-Dos naman ang dalawa.

Hindi nga raw nito alam kung makakatrabaho pa niya si Kathryn na ayon dito ay maganda at sobrang bait. Wish nga raw nito ay pagsamahin muli sila ng Regal Films, kung saan nakakontrata si Hiro ng 16 movies sa bilang bagong Regal Baby ni Mother Lily.

Bukod kay Kathryn at Sam, kasama rin ni Hiro sa ‘Parola’ episode sina Ara Mina, Ina Raymundo, Dimples Romana at Julia Clarete. Bukod sa said film, kasama rin si Hiro sa isa pang Regal movie na ipapalabas sa 2012, ang Dead na Dead Sa U with Ruffa Gutierrez at Gabby Concepcion.

 

PAGKATAPOS MAG-GUEST nina Gelli de Belen at Jay Manalo sa Glamorosa, si Ruffa Gutierrez naman ngayon ang bibisita sa beauty clinic nina Dr. Natalia (Lorna Tolentino) at Dr. Paulina (Alice Dixson). Mula Biyernes, isang linggo ninyong mapapanood si Ruffa bilang si Naomi, isang 30-something flight attendant na umaasang makakapa-ngasawa ng isang guwapo at mayamang lalaki. Maganda at masiyahin si Naomi, pero hindi niya maiwasang ma-insecure sa mga mas bata at mas maganda na mga flight attendant.

Dahil sa takot na mawalan siya ng trabaho, naisipan ni Naomi na lumapit kay Dr. Paulina para sumailalim sa mga anti-aging surgeries tulad ng face lift at tummy tuck. Tinanggihan ni Paulina na gamutin si Naomi at ni-refer niya pa ito sa kanyang karibal na si Dr. Natalia.

Tiyak na may masama na namang binabalak si Paulina. Malaman kaya ni Natalia ang mga plano ni Paulina bago mahuli ang lahat? Magtagumpay na kaya si Paulina na mapabagsak si Natalia? Huwag kaliligtaang subaybayan ang kapana-panabik na pangyayari sa mga bagong episode ng Glamoro-sa, gabi-gabi pagkatapos Wil Time Bigtime sa TV5.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Gov. ER Ejercito, galit kay Mother Lily Monteverde!

  1. @prettyme- Ok lng opinion mo lang naman yun eh. =).. Malamang ang gusto mong movies un puro fantasy/comedy na basura. Hanggan ganun lang kasi ang taste mo…. Samantala un kingpin tumabo sa awards…

  2. first of all kht mgpromote c carla im sure d rn msyadong papanoorin ng mga tao yn..mejo d n yn benta eh..good luck na lang..sayang c carla..
    totoo bng c rhian nga ang ngrequest o gma ang ngparequest..??curious lng..
    my glamorosa p lng show???wat tym yn d q xe napapanood gusto q panoorin kng maganda b o joke lng..

Leave a Reply

Your email address will not be published.