Gov. ER Ejercito, aktibo nang gagawa ng pelikula

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Another day na naman at hindi tayo nauubusan ng chikka.

Minsan lang ako um-attend ng presscon. Sa pag-imbita sa akin ni Jobert Sucaldito sa thanksgiving party ni Gov. ER Ejercito nu’ng nakaraang linggo, marami akong natuklasan. Iba talaga ‘pag um-attend ka ng presscon, kasi marami ka talagang naipapahayag.

Sayang lang at hindi nila ako iniimbita na maliban sa apagsusulat ko, tatalo pa ang programa ko: sa DZRH na almost 25 years na akong nagli-lingkod sa listeners, at take note walang pahinga ‘yan; sa DWSS, Monday to Friday, kasama ko si Lady Camille, ang aking magandang anak na tsismosa na rin, at ito yata ang papalit sa aking trono kaya hinahasa ko na siya, pati sa DZRH.TV, kasama mo siya every Sunday 2-3 pm; at ang programa ko sa Pinoy Radio UK sa London, kauna-unaang Pinoy radio sa Europe. Mapalad po tayo na binigyan nila ako ng program – Ola Chikka Na! every Saturday, 11-1 pm London time, at 6-8 pm Manila time. Ang aking studio ay rito sa Pilipinas pero live broadcast sa London via Skype. Matuk mo ‘yan!

Hindi naman sa pamimintas, ang dami kasing uma-attend ng presscon, lagi silang present eh, wala naman silang outlet. Sila pa ang mayayabang kung umasta, dahil lang sa envelop. ‘Pag nakuha na nila, wala na, nganga na ang nagpa-presscon. Kasi saan naman nila isusulat pa ibo-broadcast, ‘di ba?

Sorry sa mga nasagasaan, trabaho lang po. Kasi, napakasarap kasama nitong mag-asawang Laguna Gov. ER at Pagsanjan Mayor Maita Sanchez-Ejercito. Wala silang pinipili, lahat sa kanila pantay-pantay. Kaya namang suwerte ang kanilang tambalan, na kahit anong intriga, hindi mo kayang buwagin ang kanilang pagsasama.

Heto ang masayang balita sa mga taga-industriya, kasi magiging aktibo raw siya sa paggawa ng pelikula, kahit isang pelikula isang taon. Pagkatapos ng succes ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, kahit na nga sobrang busy niya sa nalalapit na eleksiyon, gumagawa pa rin siya ng de-kalidad na pelikula, isang historical movie na puwedeng ituro sa mga bata, ang El Presidente, na entry sa nalalapit na MMFF.

Talagang napatunayan niya na mula sa pagiging kontrabida at naging bida sa Asiong Salonga, halos ma-grand slam niya ang lahat ng award-giving body dahil sa husay ng kanyang pagkakaganap at napunta sa kanya ang best actor award.

Sabi ni Gov. ER, dito raw sa El Presidente, nakakatiyak daw siya na mananalo siya kasi walang panlabang pelikula si, ‘wag na nating banggitin… intriga na naman ‘yan. Kung pwede lang talaga, iniiwasan niya ang mga intriga. Kaya lang, hindi lang talaga maiiwasan, kasi artista at pulitika ang kanyang kinatatayuan.

Sabi pa niya, hindi raw siya nag-e-expect na maibalik ang napakalaking ginastos sa pelikulang El Presidente, kasi nga ang mga period movie ay hindi talaga masyadong kumikita sa box-office.

Sabi ni Gov. ER, “Hindi, bonus na lang ito. Ang priority namin ay makagawa ng quality film, tulong sa maraming artista, humakot ng maraming awards… ‘yan ang laging objectives namin, awards!”

Say mo?! So kung susumahin mo, hindi issue ang milyong ginastos nila sa El presidente. Sa mga nagtatanong, kung ok na sila ni Kris Aquino, dahil medyo nagkabanggaan sila last MMFF, wala na raw problema. Napunta na nga si Kris sa Laguna at may balak yata silang magsama sa isang pelikula sa mga darating na panahon.

kasi nga naman nu’ng nakaraang awards night ng MMFF, ginapang daw ni Kris sa mga hurado na manalo si Dingdong na kapareha niya sa kanilang pelikula. Ngayon nga naman, walang pelikula si Kris, kaya walang impluwensya.”

‘Di ba naman! ‘Yan ang mag-asawang Gov. ER at Pagsanjan Mayor Maita Sanchez- Ejercito, na walang kalaban sa kanilang tina-takbuhang posisyon. Bongga!

 

BLIND ITEM: Sino siya? Sino naman kaya itong nakakalokang aktres na ayaw magpaawat? Akala mo kasi, talagang sila, pero marami ang nagsabi sa ‘kin na parazzi girl na press release lang pala itong mga nakakalokang chikka na wala naman silang something na relasyon dahil naaamoy ng mga kaparazzi natin na something fishy. Kaloka naman ‘te… ‘di ko kinikeri… hard naman ang chikka… siya na, kailan kaya siya maglaladlad? Kaloka naman talaga…

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

3 thoughts on “Gov. ER Ejercito, aktibo nang gagawa ng pelikula

Leave a Reply

Your email address will not be published.