Gov’t employee, dinukot at pinatay ng ex-BF

PATAY ANG TAUHAN ng Regional Legislative Assembly (RLA) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) makaraang dukutin ng dating nobyo sa Cotabato City. Kinilala ang biktima na si Samira H. Guiwan, tubong-Basilan.

Arestado naman ang suspek sa follow-up operation na si Michael Jokolano, dating nobyo ni Guiwan; at isa pang Lati Bangan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dinukot umano ng mga suspek dakong 7:45 ng gabi sa  Gonzalo Javier Str., Cotobato City.

Sinasabing nakatayo ang biktima sa nasabing kalsada nang biglang sumulpot ang dalawang suspek at kinaladkad pasakay ng isang sasakyan na may plakang  LCA-301 saka tumakas.

Agad namang naiulat sa pinakamalapit na police station ang pangyayari kaya rumesponde ang mga ito.

Gayunman, minalas na mamatay ang biktima nang umano’y saksakin ng tatlo hanggang apat na beses habang hinahabol sila ng pulis.

Ayon sa imbestigasyon, inihulog na lang ng mga suspek ang biktima sa isang lugar kung saan ito natagpuan ng pulis na agad dinala sa Cotabato Regional Medical Center subalit nasawi na ito.

Sa pagsisiyasat, hinampas ng matigas na bagay ang ulo ng biktima habang nagtamo ito ng mga saksak sa katawan.

Hinala ng pulisya, selos ang motibo ng pagdukot at pagpatay kay Guiwan.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.