Goodbye Sandara Park! Hello, Nozomi Moriwaki as the new ‘Krung Krung’!

 

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Of course, more chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka. Gaya ng nasulat ko tungkol kay Maricel Soriano noong Lunes, talaga namang super hindi pa matabunan ang mga eksena dahil wala pa ring bagong eksena.

Pero hindi lang pala pananakit at hindi pagpapasuweldo ang ginawa ni Maricel sa kanyang mga kasambahay. Aba, nakakaloka talaga! Dahil tinutukan daw nito ng baril ang dalawa niyang kasambahay.

Naku, ‘teh! Ano ba’ng nangyayari sa ‘yo? At uulitin natin ‘pag hindi siya sumipot ngayon sa hearing sa barangay, itutuloy na sa korte ang demanda. Ano ba ‘yan? Nakakaloka! Kasambahay ang nagsampa sa ‘yo ng kaso, ‘teh!

 

DADAKO NA TAYO sa natuklasan kong talent na nag-guest sa programa ko nu’ng linggo sa Ola Chikka Na sa showbiz balita sa DZRH, 2:30-3:30 pm.

Nakakaloka, parang nakita ko ang isang krung krung na si Sandara Park. Ito na nga si Nozomi Moriwaki na isang half-Filipina, half-Japanese. Kuwelang-kuwela siya sa kanyang mannerisms na talaga namang krung krung. Tinanong ko nga kung kilala niya si Krung Krung… ang sagot niya, ‘who’s krung krung?’

Napaka-unique ng kanyang perso-nality at ang kanyang boses, kaya napakasuwerte ng kanyang manager na si Annie Ayroso na nakakuha na naman siya ng talent na masasabing isang gold mine. May album na nga itong Before I Reach Sixteen.

Sa edad na 14 years old, hindi pa raw naiisip ni Nozomi na magpaligaw, at hate niya ang mga nangyayari sa mga nagbubuntis, tulad ni Andi Eigenmann. Mukhang palaban itong batang ito, dahil lalong masasanay ito sa kanyang mga co-ta-lents na mina-manage ni Annie gaya ng D’ Hot Eggs, ang wackiest group of the new generation.

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino kaya itong sexy actress na talaga namang sikat na sikat noon ang nagpalaglag?

Napaka-seksi nga nito, pero hindi nga natin siya nakikita ngayon sa tele-bisyon. At nang mabuntis nga raw ng dyowa niya ngayon ay pinalaglag ang kanyang dinadala. Ang dahilan daw, para hindi masayang ang kanyang career.

Ay, naku naman, ‘teh! Hindi ka gumaya kay Andi Eigenmann, pinanindigan niya ang kanyang eksena ngayon. Nakakaloka talaga ang aktres na ito, ‘di ba? Isang buwan at kalahati na nga raw ang ipinalaglag na dinadala.

Dito pa lang unang lumabas ‘yan, huh! Ayan, para mapangalanan ko, makinig kayo palagi sa programa ko, kasama si Lady Camille na aking anak, sa DWSS 1494 khz, 11:30-12:00 nn, at every Sunday sa DZRH 666 khz, 2:30-3:30 pm.

Ayan, ha?! Siyempre, hindi mawawala ang Pinoy Parazzi Live! Tuwing Biyernes sa internet. Bisitahin lang http://www.flippish.com/pinoyparazzi.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

23 thoughts on “Goodbye Sandara Park! Hello, Nozomi Moriwaki as the new ‘Krung Krung’!

  1. ang charming pala yong initerview mo kahapon tita swarding feeling ko sisikat yang bata na yan unique ang kanyang boses ala miley cyrus.japinoy moriwaki pag igihan mo pa para sisikat ka tulad ni charice na idol mo.kelan lalabas cd mo?

  2. KOREK!KOREK!KOREK!LAOS NA YAN SI SANDARA MGA KABABAYAN.HINDI MARUNONG KUMANTA SI SANDARA NYO SI KRUNG KRUNG NINYO!MALAMANG MALAPIT NA MALAOS DIN YAN!ANO NAMAN KAYA ANG SUSUNOD NA GAGAWIN NI KRUNG KRUNG EH WALA NAMAN TUMATAGAL NA GROUP BAND SA MUSIC INDUSTRY KUNDI ANG MGA SOLO SINGER!!!!!NALAOS NA SA DATI DITO SA PILIPINAS KAYA NILISAN ANG PILIPINAS HAHAHAHA

  3. SI SANDARA AY MATAGAL NG LAOS ITANONG NYO PA KAY HERO……….HAHAHA…….NAG SHIFT PA SA SINGING HA EH DI NAMAN MARUNONG KUMANTA…….ANO BA YAN BAYAN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  4. hindi naman inaagaw ng baguhan na yan ung krung krung.sino mag ka gusto na krung krung na yan ksi ang krung krung is may TILILING.sa tingin mo gusto ni sandara ung krung krung kung idol mo si SANDARA …CHUCHAY…WAG MONG TAWAGING KRUNG KRUNG MAAWA KA SA IDOL MO!!!!AT ETHEL SI SANDARA nag simula din sa walang wala sumikat lang sya sa korea!!!!bigyan naman natin pagkakataon ung baguhan at mukhang maganda naman siya!ROCHELLE….BELIEVE AKO SAU ANG TALINO MO CLAP CLAP CLAP NAPANSIN MO PA S LANG NAMAN VERY VERY GENIUS KA!SI KRUNG KRUNG KAY SANDARA NA YAN WALANG UMAAGAW DYAN CHUCHAY BAKA PINAG LIHI KA SA KRUNG KRUNG!!!

  5. sa atin kasi pag di ka tisay ituturing kang pangit kaya si sarah at si charice sobrang alipustahin sawang sawa na ako sa half breed

  6. di kayo mababait malay ninyo ang batang ito vert talented at maganda naman siya ha ..maganda ang smile niya…..at mga eyes…..sana hindi lang puro anak ng artista ang nabibigyan ng pagkakataong sumikat ..ano yan parang pulitika….palakasan system..dapat kumabit ka sa bading anak ka ng artista o mistisa ka….salamat at may angel locsin

  7. nostalgia..okay na sana ang pag- reminisce mo kay sandara kaya lang sumablay ka sa surname ehh..she is SANDARA PARK not SANDARA PARKS…

  8. Diba kaya umalis si Krung-Krung kasi nawala or nanamlay ang career niya rito…may patama pa nga na laos na, etc. Pinoy rin naman ang bumitaw at naglaglag sa kanya..pero ngayon dahil sikat siya sa Korea and other Asian Countries, biglang acknowledge na dito nagsimula si Sandara and..biglang may “I love you” Sandara ulit!

  9. HOYYYY RUEL AND FRIENDS!!!KUNG AYAW MO MAGPATAWAG NA KRUNG KRUNG SA IBA!!! MGA SIRA ULO KAU!GUSTO MO SI SANDARA LANG TAWAGIN UNG KRUNG KRUNG KAY SANDARA NA YAN BAGAY SA KANYA YANG KRUNG KRUNG!!PATI SAU MA KRUNG KRUNG DIN UTAK MO!!MAG KRUNG KRUNGAN KAU!!!!HANGGANG MA KRUNG KRUNG ANG UTAK NINYO!!KRUNG KRUNG…KRUNG KRUNG…KRUNGKRUNG .KRUNG KRUNG KRUNG KRUNG!!!IYONG IYO NA YAN RUEL!!!AT SA MGA SUSUNOD PANG MAG COMMENT MAG KRUNG KRUNGAN KAU!!!

  10. kaganda gandang bata eto si japinoy nozomi moriwaki.yong halong hapon na itsura nya yon ang gusto namin dito kukunti lang ang mga singer natin na ang ganyan ang edad at personalidad kaya hangang hanga ako sa kanya.nakita ko sya sa snn.ms.nozomi moriwaki message namin sayo.kailan ilabas ang album mo?

  11. wow tita swarding ang cute naman ng bago nyong discovery na si nozomi hindi sya pwede e compare kay sandara ksi mas mukha syang bata pero sobrang witty nya at inosente ang dating i think magiging popular to in the future and malaking contribution sa music industry natin kayong patay na patay kay sandara o nasaan na si sandara nyo nilayasan na kayo sa korea na lalo ka na ruel,krista at frecel pinagtatanggol nyo na yong mismo si sandara makita yong comments nyo mahiya sa ugali ninyo keep it up nozomi good luck.

  12. ang mga taong nanlalait sila ung chaka ruel wag kang masyado manglait lalo ka papangit ang ganda pa naman ng idol mo si sandara baka makita ka ni sandara at sabihan chaka masakit d ba be cool sa mga baguhan parang pinaglihi ka sa sama ng loob sa panlalait mo!!!matakot ka sa diyos ksi walang pinanganak na chaka at baka ikaw un ang nag iisa….

  13. I guess, the headline was misunderstood. If you’re going to buy the hardcopy of paparazzi, the head title “Nozomi Moriwaki, parang si Sandara Para sa pagka-krung krung” while here on the website ““Goodbye Sandara Park! Hello, Nozomi Moriwaki as the new ‘Krung Krung’!”.
    We all have opinions and we respect them. I understand also that Sandara Parks will always be Sandara Parks. I guess, we just need to understand also that this girl is only a fresh one and she would felt degraded about the misjudgement to her. They all have indifferences of beauty and talent. In the eyes of God, we are all beautiful not “chaka”. Tita Swarding doesn’t have any intention to say bad things about Sandara and hurting her fans. She just gave an opinion and observation that this girl has the same characteristics of not speaking in tagalog fluently when they started in the entertainment field. In our own critical fairness, we also have freewill to give those new ones a chance to share their unique talents just like we supported those popular ones. Thank you and more power to Paparazzi!

  14. BULAG TONG C TITA SWARDING KC ANG CHAKA KAYA NYANG BABAE NA YAN. IKUMPARA DAW BA K SANDY?! SUSMIO! ANG CUTE AT CHARMING AYA NI SANDARA PARK NOH!

  15. si krung krung si sandara eh kung krung krung din sya ksi pareho sila foriegner?si sandara si sandara sya baguhan tingnan nalang natin yang kakayahan nya

  16. Mag isip na lang kau ng bagong title.. Krung krung will always be sandara.. Krung krung as in koreana na may kiriring.. Isip na lang ng iba na bagay sa kanya! Na sounds like may pagka japan din pwedeh!!! When u say krung krung thats sandara..

  17. c sandy ang original n krung ng pinas at kahit kailan hndi un mapalitan sa mata ng mga tao at taga hanga nya,,,

  18. wag nyo xa ikumpara kay sandy,,sikat c sandy sa ibang bansa kaysa kanya at mas una nakikilala si sandy at iaaliwan ng manonood,,hndi nman un kilala ang ikumpara nyo kay sadi ang layo nga eh,,

  19. bagay ke sandara ang pagiging krung-krung niya kasi cute tignan. Me balak ba itong mag-artista? kasi kung itutuloy nito na mag -artista malamang maagang malalaos ito hindi kasi kagandahan dapat dyan bumuo na lang ng banda.

Leave a Reply

Your email address will not be published.