Goodbye, Maja, Welcome, Rosalinda

Opisyal na! Si Geoff Eigenmann nga ang gaganap na Fernando Jose sa malapit nang ipalabas na Pinoy adaptation ng sikat na Mexican telenobelang Rosalinda.

Tsika ng guwapong-guwapong si Geoff, nasurpresa siya nang malaman na sa kanya ipinagkakatiwala ng GMA7 ang pinag-aagawang leading man role ng bagong Kapuso talent na si Carla Avellana. Hindi kasi agad ipinaalam sa kanya ng kanyang mommy na si Ms Gina Alajar at kuyang si Ryan Eigenmann na siya nga ang napili para rito. Puspusan daw ang paghahanda nitong si Geoff at ginagawa niya ang lahat para naman hindi madismaya ang mga taong nagtiwala sa kakayanan niya.

Medyo matagal-tagal na rin mula nang huli natin siyang mapanood. Bisi-bisihan siya noon sa mga Kapamilya shows at nangibang-bakod nang mag-expire ang kontrata. Nabalita na gagawa raw siya ng serye with Maja Salvador na may working title na Moonriver pero hindi ito natuloy.

Ngayong bini-build up ang kanyang karir at nabigyan siya ng isang napakagandang break, isang malaking tanong kung papatok nga ba ang tambalang Carla at Geoff na parehong bago sa panlasa ng publiko.

Sa pag-goodbye ni Geoff kay Maja at pag-welcome kay Carla, dapat abangan kung pasasayahin at paiiyakin nga ba tayo ng bagong aabangang Rosalinda.

Stars Candid
by Mayin de los Santos
Photos by Fernan Sucalit and Parazzi Wires

loading...

9 thoughts on “Goodbye, Maja, Welcome, Rosalinda

  1. BKET NYU BA PiNAGTATALUHAN YANG Si HEART ?

    PAREHO LANG UN NA NASA 7 NA SYA DHiL NGA NALAOS !!!

    AND UNG NAGMAMALAkE NAYAN SA 7 . MAAWA KA NMN SA PiNAGLALABAN MU ??

    NANiNiNDiGAN KABA SA WALA ?]

    KAWAWA KA NMN ?

    ESTE KAUNG MGA KAPUSO .

    DBALE NA KONG WALANG PUSO BASTA MAY PAMILYA !!!

    MGA 7 ANG LUNGKOT LUNGKOT NG ISTASYON NILA !

    MGA LOOSERS NGA NMN DB?

    ANU REACT PA KAYU ?

    GO GITGITAN TAYU !

  2. la kwenta kapuso kasi puro paninira ginagawa nila sa kabilang istasyon kpg naungusan na sila ng kabila…

  3. wla naman kasing gaanong magaling na artista sa gma kaya nabibigyan ng shows un mga lumilipat sa kanila, in short wala ng pagpipilian kaya kung ano na lang ang artista un na lang ang magkakashow.

    • ay oo nga naman, wala raw magagaling na artista ang GMA, kasi panay ang pirata ng EBS; at for sure ay panay pa rin ang pasilip-silip ng EBS sa bakuran ng GMA para sa iba pang gustong piratahin!!! aminin!!!

  4. To You Kapuso,

    Baka yang GMA 7 mo ang bulok, puro starlets, sino lang ba sikat dyan, Marian, Dingdong, Richard wala na, eh sa ABS-CBN, kulang space dito and besides sino ba ang station ang mabili mga movies, albums, concerts and endorsers, i heard nga 95% endorsers artista ng 2 ibig sabihin lang lahat ng pinakasikat nasa 2, eh yang stasyon mo puro kabulukan ang lumalabas, sex video, gyera ng executive sa talent manager, mga columnist ng 7 na bayaran ng sobrang makapanira sa artista ng 2, eh mga publicists ng 2 hindi naman i naman sila ganon, eh kasi puro sila well educated may mga manners. So please stop saying bulok ang ABS-CBN kasi that refers to your station na mandaraya sa ratings di ba galing mismo kay Annabelle minamanipulate nya yung ratings, kaya naman biglang tumaas yung rating ng Zorro against Totoy Bato takot syang magsalita pa si Annabelle ng totoo, get it yang istasyon mo ang bulok walang class, baduy nga raw sabi ni Mariel hehehehehehe

  5. hello? bisi bisihan nung nasa ABS CBN THE BULOK STATION pa siya? hindi ko nga yan mahagilap dun eh… hahaha kasi walang show! Mas Priority ng ABS ang mga artista galing GMA 7! Mga Original Talents nila pinababayaan lang nila hanggang sa lumipat nlang gaya ni Heart Evangelista nung nasa ABS pa siya wala siyang show at tumamlay ang career dahil sa ABS… Ngayong nasa GMA 7 Bonggang Bongga ang career ni Heart ngayon! nasa SOP siya every sunday at may soap pa siya every afternoon na Ngayon at Kailanman…

  6. hello? bisi bisihan nung nasa ABS CBN THE BULOK STATION pa siya? hindi ko nga yan mahagilap dun eh… hahaha kasi walang show! Mas Priority ng ABS ang mga artista galing GMA 7! Mga Original Talents nila pinababayaan lang nila hanggang sa lumipat nlang gaya ni Heart Evangelista nung nasa ABS pa siya wala siyang show at tumamlay ang career dahil sa ABS… Ngayong nasa GMA 7 Bonggang Bongga ang career ni Heart ngayon! nasa SOP siya every sunday at may soap pa siya every after na Ngayon at Kailanman…

    • Anong taon ba yung HIRAM na kasama c heart? Remarkable yun, until now natatandaan ko pa. Eh yung luna mystica kelan yun? Di manlang tumatatak sa tao mga nagawa nya kht napakadami nyang ngawa s 7.

Leave a Reply

Your email address will not be published.