Good Housekeeping, Iginawad sa Navotas

BILANG PAGKIKILALA sa maayos at tuwid na pamamahala sa lungsod, ginawaran ang Navotas City ng ‘Seal of Good Housekeeping’ ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa ikalawang araw ng pagpasok ng taong 2012.

Tinanggap ni Navotas City Mayor John Reynald Tiangco, ang award mula kay DILG Rep. Marlon Gatpandan, dahil sa ipinakitang maayos na pamumuno ng alkalde sa nasabing lungsod.

Ilan sa mga nagiging basehan at nakamit ng lungsod ang parangal ay ang pagiging transparency, responsable, mabuting gobyerno at tapat na pagli-lingkod sa bayan.

Ayon sa DILG, ang pagbibigay ng parangal ay hindi basta-basta ipinagkakaloob sa isang lungsod o bayan kundi pinag-isipan ito at pinag-aralang mabuti.

Tulad ng Navotas City, nakitaan nito ito ng pagpapahalaga sa lahat ng bagay lalo na ang pagpapahalaga sa bawat karapatan at kaligtasan na bawat residente sa lungsod at maayos na pamamalakad sa pamahalaan lungsod lalo na ang pakikitungo sa mga empleyado.

Ikaapat ang lungsod sa Kamaynilaan ang nakatanggap ng nabanggit na parangal.

Ikinatuwa rin ni Tiangco, na kuwalipikado ang lungsod sa Local Government Suppot Fund (LGSF) na nagkakahalaga ng P20M.

Sinabi pa nito, na mala-king tulong ang nasabing halaga para sa patuloy na pagpapalawak ng serbisyo sa lungsod tungo sa pag-unlad. Isa pa rito ay tumaas na rin ang Internal Revenue Allotment (IRA) ng lungsod.

(MARY H. SAPICO)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.