Good girl na raw: Gretchen Barretto, aminadong naging naughty! – Ruben Marasigan

SA KATATAPOS NA 23rd PMPC Star Awards For Television, nagkita sa backstage ang former sweethearts na sina Abby Cruz at Paolo Bediones. Nagmamadaling pauwi na sana ang beauty-queen-turned actress matapos mag-present ng award nang biglang magkasalubong sila ng guwapong TV host.

Ang sumunod na eksena, nakaupo na silang dalawa sa isang sulok sa backstage at seryosong nag-uusap. That was the first time na nagkaharap silang dalawa matapos ang kanilang break-up dahil dati ay through text lang sila nagko-communicate.

Hindi namin sila malapitan dahil mukhang may personal nga silang pinag-uusapan. Pasimple na lang naming kinunan ng photos ang dalawa na parehong natawa na lang nang mapansing panay ang shoot namin sa aming dalang camera.

Tapos, balik na naman sila sa seryosong pag-uusap. Saglit na nalingat lang kami, nawala na kaagad sa aming paningin sina Abby at Paolo. Um-exit na pala at sabay na umuwi.

Nagkabalikan na nga kaya sila? ‘Yan ang sunod naming aalamin.

NAG-TIE SINA SUNSHINE Dizon (para sa kanyang mahusay na pagganap sa episode na Butch ng Obra) at Gretchen Barretto (para naman sa Salamin episode ng Maalaala Mo Kaya) sa kategoryang Best Single Performance by an Actress sa katatapos ngang Star Awards For Television. Umeere pa lang ang VTR ng mga nominado na kinabibilangan din nina Gina Alajar, Judy Ann Santos, Carmina Villaroel, at Lorna Tolentino, kita na namin ang nerbiyos pareho nina Sunshine at Gretchen na magkalapit lang ng kanilang inuupuan na napahinga nang malalim nang tawagin sila as winners.

Kasama ni Gretcen nang gabing ‘yong ang live-in partner niyang si Tony Boy Cojuangco. Sa kanyang acceptance speech, nai-dedicate niya ang napanalunang award sa huli.  Na talagang— “To my partner and my lover…” ang bonggang-bonggang pagkakasabi ni Gretchen!

Natanong tuloy namin sa aktres, senyales ba ‘yon na smooth sailing na naman ang kanilang relasyon na matagal nang iniintrigang on the rocks na? There was even a time pa ngang ilang beses napabalitang hiwalay na sila.

“Siyempre lahat naman ng relasyon nagkakaroon ng konting unos, ‘di ba?” Aniya. “Pero lahat naman nalalagpasan. And talagang blessing dahil nagdesisyon akong maging super-good girl talaga naman. At nagdasal. Talagang everything fell in its place. At pati ‘yong blessings, talagang nag-pour in.”

Ano ba ang ibig niyang sabihin na nag-decide siyang maging good girl? In what way ba siya naging bad girl dati?

“Naughty lang!” Bawing reaksiyon ni Gretchen. “Naughty lang talaga. Ha-ha-ha! Basta naughty-naughty lang… gano’n.  Alam n’yo na ‘yon. Basta naughty lang. Wala lang. Ha-ha-haha!”

First time niyang manalo ng acting award. Okey lang ba sa kanya na may ka-tie siya or she could have been happier kung solo lang siyang nag-emerge as winner?

“Okey lang. Basta may trophy rin ako! Ha-ha-ha! Nu’ng ia-announce na ang winner, talagang ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Na, ayoko nito… ayoko ng feeling na ganito. Pero ang sarap pala ‘pag tinawag na ang pangalan mo. Ayoko sanang mag-expect pero dinasal ko na manalo ako,” karagdagang nasabi ni Gretchen.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Good girl na raw: Gretchen Barretto, aminadong naging naughty! – Ruben Marasigan

Leave a Reply

Your email address will not be published.