Good Friday Tragedy 2 pa bangkay naiahon sa comval landslide

COMPOSTELLA VALLEY – DALAWA pang bangkay ang naiahon kahapon ng umaga makaraang matabunan ng putik at bato sa landslide sa bayan ng Pantukan.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kinilala ang mga biktima na sina Marjun Guilabtan at Relieto Tabay, pawang residente ng Panabo City.

Una nang naiulat ni Maj. Gen. George Segovia, commander ng 10th Infantry Division ng Philippine Army na mahigit 30 katao ang nilamon ng lupa makaraang gumuho ang lupang kinatitirikan sa Sitio Panganason, Brgy. Kingking na kilalang lugar ng mga minahan.

Noong Sabado ay 11 katao ang naiulat na nailigtas mula sa trahedya habang as of April 24, 8:00 AM ay   21 pa ang nawawala.

Samantala, tinutulan naman ng ilang local government unit ang rekomendasyong isara o isuspinde ng 30 araw ang operasyon ng mga minahan sa lugar.

Giit ng mga lokal na opisyal, marami ang mawawalan ng trabaho at labis na pahirap ang kanilang daranasin sakaling matigil pansamantala ang operasyon ng minahan.

Magugunitang isinisi sa pagmimina ang landslides sa lugar. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.