Goma’s Family Feud continues to be number 1 game show

BIRTHDAY MONTH NI Richard Gomez ang April.

Pero mas magiging memorable daw ito ngayong taon dahil natapat ding ngayong Abril na pansamantalang magpapa-alam sa ere ang Family Feud.

Matapos ngang mapatunayan ni Goma na isa rin siyang mahusay at responsableng game show master, magpapahinga muna pansamantala ang ‘role’ na tunay namang kanyang pinaghirapan.

“Nag-audition kasi ako for this. Nasa ABS-CBN pa lang ako noon, pangarap ko na talagang maging isang game show host at nang maging Kapuso nga ako, talagang pinangarap ko pa rin ‘yun, hanggang sa ibigay nga nila,” lahad ng award-winning actor.

Thankful si Goma sa management ng GMA 7 dahil inabot ng two-seasons ang top rating show nila at consistent nga ito as top rater. Ang maganda pa du’n, nagsimula at magtatapos itong hindi man lang natinag ng katapat nitong game show din. The fact is, nag-fold up na ang Deal or No deal ni Kris Aquino, at kahit na nagpalit ito ng isa pang game show, markado pa ring ‘talunan’ ito kumpara sa ratings nina Goma.

“Napag-uusapan ba ninyo ito nina Kris (who’s very close to Lucy Torres-Gomez)?” Tanong ng Parazzi kay Goma since sinabi nitong madalas silang lumabas to dine at mag-bonding as friends.

“Never. Alam naman naming hindi makatutulong sa usapan namin, kaya ibang isyu na lang. Knowing Kris,” ang tila makahulugan pa nitong sinabi.

Well, alam naman siguro natin ang ibig sabihin ni Goma who made a promise na kahit magtatapos na ang show this month, babalik pa rin siya as a game show master.

“Naging identity ko na ang Family Feud at sa bagong generation ng mga televiewers ngayon, ‘yun ang isa sa mga masasabi kong naging tatak ko,” hirit pa ni Goma.

SA CALATAGAN, BATANGAS naman nakatakdang mag-spend ng kanyang Holy Week si Gretchen Barretto.

Magre-relax daw siya nang todo dahil sa kanyang pagbabalik, naka-line up ang kanyang mga mall tours at guesting para sa promo ng 2nd album niyang Complicated.

Kontrobersyal at nakakaloka pa rin ang takbo ng buhay ni Greta. Bawat sabihin at gawin niya, pinag-uusapan pa rin.

Hindi na namin ikukuwento ang status ng kanyang ‘groom to be’ dahil sa maraming talk shows, narinig na natin siyang magpaliwanag at tuloy basahin ang kanyang facial at body movements.

Basta ang tsika ni Greta, “Kaya nga complicated, eh. Hayaan na lang muna natin.”

Mainit pa rin ang tsismis na hiwalay na siya finally with Tonyboy Cojuangco, at sa isang kilalang tao naman mula sa angkan ng mga pulitiko nga siya ngayon nai-involve.

“Not so true. Iba ang sitwasyon noon sa sitwasyon ngayon. Sinisikap namin ni Tony na maging masaya at maayos, at normal naman siguro ang mga pinagdaraanan naming krisis, if we can call that as such,” hirit pa ng mas pumayat ngayong Gretchen.

Talaga lang daw na gusto niyang magpapayat. Inamin din naman niyang may ipinaretoke siya (ang kanyang pouting lips) sa kanyang hitsura.

But sad to say nga po, iba ang general reaction ng mga nakakakita kay Greta. Mas feel nila at mas gusto ang dating hitsura nito. Nawala na raw ang kasariwaan ng mukha nito, plus literal daw talaga itong naging “patpatin at nagmukhang tingting.” May nagsabi pa ngang nagmukha na silang ‘tres marias’ ng mga bagong close friends niyang sina BB Gandanghari at Pops Fernandez. Bukod daw sa iisa na halos ang hilatsa ng mga patpating ‘faces’ ng mga ito, mukhang larawan din daw ang mga ito ng walang kakuntentuhan sa natural nilang mga ganda!

Well, ganyan nga marahil ang walang magawa sa kayamanan at dami ng oras, naghahanap ng mapaglilibangan. Good thing may maganda siyang boses at magaganda naman ang choices of songs niya (e.g. This Far, Tell Me, Memories, Complicated, Like a LOver, Never My Love, among others). Kahit papaano, she really has something to be proud of.

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

5 thoughts on “Goma’s Family Feud continues to be number 1 game show

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #49

  2. #1? talaga? sino nag sabi? AGB MEGA MANILA nanaman kagaya ng pinalalabas ng pep? wahahahahaha pustahan tayo tatakbo si Richard sa 2010 kaya pinapa bango ang pangalan ng LAOS nato wahahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.