Gold Smuggling, Pinaiimbestigahan ni Miriam

PINAIIMBESTIGAHAN NI Senator Miriam Defensor-Santiago ang umano’y talamak na gold smuggling ng mga small-scale mining company.

Sang-ayon sa Republic Act 7076 o Peoples’ Small-Scale Mining Act, ang lahat ng gintong nahuhukay ay dapat ibenta sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) o sa mga awtorisadong kinatawan nito.

Pero ayon sa ulat, naipupuslit ang mga ginto gamit ang mga hand-carry bag ng mga turista o kaya’y ibinebenta sa black market.

Pang-18 ang ating bansa sa pinagmumulan ng ginto pero bumababa ang porsiyento na nabibili ng BSP dahil sa smuggling at black market.

Nais ni Santiago na repasuhin ang talamak sa pagmi-mina at alamin kung bakit bigo ang pamahalaan na pigilan ang naturang smuggling.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.