Going solo: SexBomb Dancers is disbanded!

MUKHANG GOING SOLO na ang halos karamihan ng miyembro ng SexBomb dancers mula kay Aira Bermudez na regular na napapanood na nagso-solo sa Party Pilipinas at Judge ng Jump na isang contest sa GMA-7 sa solo at grupong mananayaw.

Habang si Mia naman ay isa sa main cast ng inaabangang epic-serye ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Marian Rivera, ang Amaya, at lastly ay si Sunshine Garcia na napapanood naman sa Banana Split.

Kaya nga marami ang nag-iisip na baka raw buwag na ang SexBomb dancers, dahil may kanya-kanya nang career ang mga ito.

Pero ayon sa kaibigan namin at CEO/President ng Focus E na si Ms. Joy Cancio, buo pa rin daw ang SB kahit may mga solo projects ang mga ito. Sumasayaw pa rin daw sa grupo si Aira, Mia at Sunshine kapag libre ang kanilang schedule.

 

DAPAT ABANGAN NG mga kababayan natin sa North America ang 3rd leg ng As 1 North American Tour, ang bonggang-bonggang konsiyerto na pagsasamahan ng dalawang hari sa musika sa Pilipinas na sina Gary Valenciano at Martin Nievera.

Bukod sa kani-kaniyang hit songs from the past and present na kakantahin individually nina Gary at Martin, kaabang-abang din ang dueto ng mga ito. Tsika nga ni Gary na 100% na pihadong mag-e-enjoy ang lahat ng manonood ng kanilang concert.

Dagdag pa ng Concert King na si Martin na aabangan din daw sa kanilang concert ni Gary ang mga bagong kanta at production numbers na kanilang inihanda para sa kanilang mga tagahanga sa Amerika.

 

PAGKATAPOS NG MATAGUMPAY na TV premiere  ng Ba-gets, isang remake ng sikat na sikat na palabas sa telebisyon  noong Dekada ‘80 ang muling bubuhayin ng TV5, ang Iskul Bukol, kung saan nagbida noon sina Tito, Vic and Joey, ang Escalera Brothers na mapapanood na sa May 24.

At ngayong 2011, muling ibabalik ng TV5, ang Iskul Bukol, with a new twist of story, mas masahog at makabago at siyempre with a new line up of casts na pangungunahan nina Keempee De Leon, Sam YG, Kean Cipriano, Alwyn Uy-tingco, Fredison Lo, Erica Padilla, Regine Angeles at Jerald Napoles.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.