“God gave me a second chance!” – Diether Ocampo

MABUTI NAMAN AT sumagot na si Diether Ocampo sa text ko nang kinumusta ko ito.

Ayon sa text ng aktor, nagkaroon lang daw siya ng heart problem at napagod lang nang husto, dagdag pa ang jetlag, kaya hindi na ito nakayanan ng katawan niya. Hinimatay ito at naging unconscious daw siya ng ilang oras.

Pero ngayon, inilipat na siya ng kuwarto at okay na raw ang kalagayan ni Diet. “I guess God gave me a second chance. So, yeah, I’m okay and back to life,” bahagi ng text niya sa akin.

Hindi na nga lang nakasama si Diether sa show nila sa Ontario, California at pati na rin sa San Francisco. Pero inaasahan ng mga taga-Star Magic na magiging okay na siya at puwede na itong sumama sa mga susunod nilang show.

Babalik na rin naman yata sila sa susunod na linggo kaya inaasahang okay na okay na ito sa kanyang pagbabalik.

PAGKATAPOS NG ALL About Eve, naging maganda ang pagkakaibigan nina Alfred Vargas at Sunshine Dizon.

Pero huwag na raw lagyan ng malisya dahil may non-showbiz girlfriend si Alfred at si Sunshine naman ay may constant date naman.

Pero pinangakuan ni Sunshine si Alfred na sa susunod nitong project sa GMA 7, hihilingin daw niyang siya ang kukuning ka-partner nito.

Nitong nakaraang linggo, pareho pa silang nagluksa dahil halos magkasabay na namatay ang lola nila. Malapit sa kanila ang namatay nilang lola kaya pareho silang malungkot at sila-sila na rin ang nag-console sa bawat isa.

Magsi-celebrate si Sunshine ng kaarawan niya sa SOP at binakante ni Alfred ang araw na ‘yun para isa rin siya sa magbibigay ng sorpresa sa aktres.

Samantala, pumirma na rin si Alfred nu’ng nakaraang linggo bilang endorser ng Calayan Surgicenter ni Dr. Manny Calayan.

Magkakaroon pala ng panibagong line-up ng Kapuso hunk actors na mag-i-endorse ng beauty clinic nito at isa si Alfred sa grupong kinabibilangan nina Dennis Trillo, JC Tiuseco at Jay R.

Nangako rin si Dr. Calayan na tutulungan niya si Alfred kung sakaling itutuloy nito ang pagtakbo sa darating na eleksiyon.

Kasali rin pala si Alfred sa Darna pero may usapan na itong mawawala siya kapag nagsimula na ang kampanya para sa eleksiyon.

By Gorgy’s Park

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.