GOCCs, Bubuwagin na; Mga Empleyado, Hahanapan ng Lilipatan

TINIYAK NG Palasyo na walang dapat ikabahala ang mga empleyado ng limang government-owned and controlled corporations (GOCCs) na nakatakdang buwagin kung maayos naman ang kanilang trabaho.

Tuluyan nang bubuwagin ng administrasyong Aquino ang limang GOCCs matapos masangkot sa pork barrel scam kung saan uunahin dito ang National Agribusiness Corp. (Nabcor) at Znac Rubber Estate Corp. (ZREC).

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, magkakaroon naman ng pagbusisi sa naging performance ng mga empleyado at ililipat sa ibang ahensya ang mga kuwalipikado.

Sinabi ni Coloma na hindi dapat mangamba ang mga maayos magtrabaho dahil hindi sila pababayaan ng pamahalaan.

Samantala, hindi na raw maaaring ipagpaliban ang pagbuwag sa mga naturang GOCCs dahil matagal nang nagkakamal ng pera mula sa pork barrel.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.