Gobyerno, walang planong parusahan ang HK

KINONTRA NG Palasyo ang mungkahi ng ilang mambabatas na tapatan ng gobyerno ang pagsuspinde ng Hong Kong sa visa-free access para sa mga government official ng bansa.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, patuloy na naghahanap ng paraan ang gobyerno para maresolba ang gusot sa Hong Kong na nilikha ng Luneta hostage-taking crisis.

“Lahat ng ginagawa ng pamahalaan, patuloy na hinahanap ang pinakamainam na batayan para magkaroon nga ng understanding na katanggap-tanggap din sa kanila given the background of what transpired. Simula noon hanggang ngayon, patuloy na sinisikap na magkaroon ng common position para matuldukan na ang usaping ito,” pahayag ni Coloma.

Hindi rin sinang-ayunan ng Malacañang ang giit ng pamahalaan ng Hong Kong na humingi ng paumanhin si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at maghahanap na lamang sila ng katanggap-tanggap na solusyon sa problema.

Maaalala na nagkaroon na ng pagpupulong ang punong ehekutibo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Bali, Indonesia noong Oktubre.

Samantala, bukas naman ang Malacañang sa plano ni Manila Mayor Joseph Estrada na mamagitan na para maaayos ang gusot sa pagitan ng bansa at Hong Kong.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.