Gobyerno, Pinalalakas ang PPP sa R&D

PINALALAKAS NG pamahalaan sa pamamagitan ng Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (PCIEERD) ng Department of Science and Technology (DOST) ang public private partnership sa research and development.

Layunin nitong makalikha ng mas makabagong mindset para sa Pinoy ukol sa inobasyon o sa mga sector ng electronics, metals, semiconductors, minerals, healthcare at genomics.

Kabalikat ang akademya, pribadong sektor at mga ahensya ng pamahalaan gaya ng mga kagawaran ng kalusugan, enerhiya, edukasyon, at iba pa, lalo sa research and development upang ‘di lang makatulong sa industriya at bansa kundi para iangat ang competitiveness ng Pilipino.

Ilan sa mga programa ng PCIEERD ay tungkol sa pagtutulungan tungkol sa rapid diagnostics for Dengue ng Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) na pinangunguna-han ni Dr. Jaime Montoya.

Ayon kay Engr. Raul Sabularse, may mga programa rin ang ahensya tungkol sa Methane extraction mula sa mga landfill at upang maiba ang tingin ng masa sa basurang itinatapon mula sa latak hanggang enerhiya.

Ayon kay PCIEERD Executive Director Dr. Rowena Guevarra, kanilang ipinagmamalaki ang kakayahan ng Pinoy na manguna sa industriya ng Customized Road Vehicle Standard na tayo lang ang mayroon sa buong mundo, halimbawa nito ay ang mga jeepney, tricycle, atbp.

Sa darating na June 28 ay idaraos ng ahensya ang kanilang ika-3 anibersaryo kung saan kanilang magi-ging tema ay “partnering with industry towards inclusive growth for a more competitive Philippines” at doon nila ipamamalas ang pagtutulungan ng pamahalaan at ng pribadong sektor.

(MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.