Gobyerno, Pinagbabayad ng CA ng $371-M

PINAGBABAYAD NA ng Court of Appeals (CA) ang gobyerno nang mahigit $371 milyon sa kumpanyang Philippine International Air Terminals Co., Inc. (Piatco), ang nagtayo nang kontrobersiyal na Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Base sa ipinalabas na desisyon, binago ng appellate court’s 3rd Division ang naunang ruling ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 117 na nag-aatas sa Philippine government na bayaran ang kumpanya ng $176 milyon bilang “just compensation”.

Una nang iginiit ng gobyerno na dapat ay nasa $150 milyon lang ang bayarin nito sa Piatco.

Pero sa bagong ruling, sinama ng CA sa computation ang replacement cost at 6-percent annual interest dahil sa delay ng pagbabayad nito ng obligasyon.

Samantala, bagama’t kinikilala ng korte ang epekto ng expropriation proceedings, dahil buwis ng taong-bayan ang ipambabayad dito, pero dapat din aniyang protektahan ang karapatan ng Piatco.

“The determination of just compensation has been entrusted to the courts, to ensure that the individual property owner’s right to be fairly compensated for property expropriated is not out-balanced by the greater weight of the Republic,” ayon sa CA ruling.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.