Gobyerno, Pinag-iingat sa Cash Program

Ipinagpatuloy ng gobyerno ang pagpapalawak ng conditional cash transfer (CCT) program, ayon sa inilabas na news release, pero kailangan umanong mag-ingat ang gobyerno rito.

Ayon kay Gilberto Llanto ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), hindi na kailangan ang mabilisang pagpapalaki ng coverage ng CCT.

Sa ilalim ng CCT program o kilala rin bilang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ang pagbibigay ng P1,400 kada  buwan sa mga mahihirap na pamilya sa kondisyong pag-aaralin at papapasukin sa eskuwelahan ang kanilang mga anak at regular na bumisita sa malapit na health centers para sa check-up at pagpapabakuna. Ang 4Ps ay naglalayong mapabuti ang health status ng mga ina at kabataan, at mabawasan ang kahirapan sa bansa.

Isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 4Ps sa ilang barangay. Kinakailangan pa ring huwag masyadong madaliin ang nasabing programa upang mapatunayan ang mas epektibo nitong resulta bago pa ang full-scale coverage ng nabanggit na programa.

Mahalaga ang pagkakaroon ng effective compliance at monitoring mechanism ng gobyerno para makamtan ang hinahangad ng nakararami na magandang edukasyon at mabuting kalusugan. Dapat na magkaroon ng masusing pagmo-monitor at pagbeberipika kung pumapasok ba sa klase ang mga kabataan at kung dinadala ba ng mga ina ang kanilang mga supling sa malapit na health units para sa lingguhang check-up at pagbabakuna.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.