Gobyerno , ‘Di na Maglalaan ng Budget para sa Bataan Nuclear Power Plant

HINDI NA muling maglalaan ng budget ang pamahalaan para sa rehabilitasyon ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

Una nang inihayag ni Budget Secretary Butch Abad sa panayam ng ABS-CBN News Channel (ANC) na naglalaan ang pamahalan ng P50 milyong pondo para sa maintenance ng BNPP.

Kaugnay nito, binigyan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ng taning si Energy Secretary Jericho Petilla upang magbigay ng rekomendasyon sa pagga-gamitan ng BNPP.

Ayon kay Abad, may hanggang Disyembre aniya si Petilla para pagdesisyunan ito. Oras na maisapinal ito, dito pa lamang maglalabas ng budget ang pamahalaan.

Inalis na rin aniya ngayon sa budget ang pondo para sa maintenance ng BNPP.

Kasabay nito, sinabi pa rin ni Abad na lahat ng manggaagawa sa BNPP ay mare-reassign.

Maaari aniyang gawing tourism zone ang nasabing lugar ngayon ng BNPP.

Samantala, ayon pa rin kay Abad, aabot sa P65 bilyon ang ginastos ng gobyerno para sa BNPP ngunit hindi pa ito nakapag-produce ng kahit maliit na amount ng kuryente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.