Gobyerno, Bibili ng Bagong Eroplano para kay P-Noy

KINUMPIRMA NG Department of Budget and Management (DBM) ang plano ng Palasyo na pagbili ng isang bagong presidential plane para sa Pangulong Benigno Aquino III.

Sa katunayan, inihayag na ni Budget Sec. Florencio Abad na may nakalaan nang pondo para mapalitan ang mahigit 30-year old Fokker 28 na siyang ginagamit ngayon ng pangulo ng bansa.

Ipinaliwanag pa ng kalihim na maliban sa hindi na ligtas ang eroplano dahil sa masyadong luma na ito, hindi rin umano praktikal para sa pamahalaan ang mag-renta ng masasakyan sa bawat lakad ng Pangulo.

Ang binansagang F-28 “Fellowship” plane ay binili noon pang 1979 ng Central Bank of the Philippines para sa yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

3 thoughts on “Gobyerno, Bibili ng Bagong Eroplano para kay P-Noy

  1. tsk. bili na lang kaya nila ng pagkain at relief goods sa mga nangangailangan. Wat P-noy nid is a hair treatment .

Leave a Reply

Your email address will not be published.