GMA Tweens, Enjoy sa Boracay Escapade!

NAG-ENJOY NANG HUSTO ang buong tropa ng top-rating youth-oriented show na Tween Hearts ng GMA-7, na kinabibilangan nina Jhake Vargas, Bea Binene, Joyce Ching, Kristoffer Martin, Lexi Fernandez, Derrick Monasterio, Hiro Magalona, Krystal Reyes, John Miguel at iba pa. Kasama ng mga tweens ang kanilang director na si Direk Gina Alajar, GMA Executive Hazel Bonita at ang buong staff and crew ng nasabing Sunday series.

Three days nag-stay ang buong grupo sa La Carmela de Boracay Resort Hotel, kung saan nagsilbi na rin daw bakasyon ng mga tweens mula sa kani-kaniyang hectic schedules.

Halos mga fi rst-timers sa Boracay ang mga nasabing kabataan at namangha sila sa malinis na tubig at pinong buhangin sa dalampasigan ng isla. Kaya naman, nangako raw ang mga ito na muli nilang babalikan ang mala-paraisong isla kapag nagkaroon ulit sila ng bakanteng oras, nang sa gayon ay hindi trabaho kundi bakasyon ang magiging pagtungo nila sa Bora, at nang mas ma-enjoy nila ito nang

husto.

Mapapanood ngayong buwan ng Marso ang two-part summer special ng Tween Hearts.

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.