GMA, Sinisi ni PNoy sa Pork Barrel Scam

SA NAKARAANG administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at hindi sa gobyerno ni Pangulong Noynoy Aquino III nangyari ang mga anomalya sa paggamit ng pork barrel ng mga mambabatas.

“Paalala lang natin, nangyari lahat ito noong dating administrasyon na iba ang patakaran sa atin,” ani Pangulong Aquino sa kanyang panayam sa ginawa nitong pag-iikot sa mga binahang lugar sa Laguna at Mandaluyong City.

Aniya, nang mabasa niya ang ulat ng Commission on Audit (COA) kaugnay ng mga maling paggamit ng pork barrel at ginawang pang-aabuso ay talagang nagalit siya pero bilang punong ehekutibo ay hindi siya maaaring kumilos ng galit, hindi puwedeng kumilos nang pikon dahil kailangang kumilos parati nang tama.

Inihayag pa ng Pangulo na hintayin na lamang ang resulta ng pagsisiyasat ng Department of Justice (DoJ) sa mga sangkot sa maling paggamit ng pork barrel bukod sa sinasabing utak ng P10-bilyong pork barrel scam na si businesswoman Janet Lim-Napoles.

“Alam mo, dapat lang namang ma-disgusto tayo doon sa pag-aabuso ‘nung PDAF (Priority Development Assistance Fund). Ilang lawmakers? Pwede bang hintayin na lang natin si Secretary Leila (de Lima)? Pero, now, merong… Medyo mahaba-haba ‘yung listahan e, ano, at alam naman ninyo gusto kong maging precise. ‘Yung ‘pag handa na o sinampa na ‘yung kaso doon ko na lang sana i-a-announce para wala naman tayong tina-trial by publicity,” ani ng pangulo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.