GMA, maaaring masabit sa Garcia case – DND

AALAMIN NG DEPARTMENT of National Defense (DND) kung hanggang saan ang kinalaman ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa nangyaring “inaction” sa kaso ni da-ting Armed Forces of the Philippines (AFP) comptroller Carlos Garcia.

Ayon kay Department of National Defense (DND) spokesman Col. Col. Hernando Eriberri, na hina-handa na ng DND ang gagawing pagsisiyasat.

Kabilang umano sa pagpapaliwanagin ay sina dating Defense Sec. Norberto Gonzales, dating Defense Usec. for legislative affairs Arturo Lomibao at Usec. for legal affairs Arturo Valenzuela dahil sa kabiguang aksyunan ang naunang rekomendasyon ng military court sa kaso ni Garcia.

Una nang inihayag ng Special Defense Investigation Committee na hinatulan na noon ng guilty ang former major general sa kasong paglabag sa Articles of War 96 at 97, su-balit hindi ito nakatanggap ng aksyon ng nakaraang administrasyon.

“Hindi pa natin alam kung ano talaga ang nangyari, kung nakarating ba kay Pres. Arroyo (rekomendasyon). Kung saan talaga nagkaroon ng delay, kaya iyan ang gusto nating matukoy,” pahayag pa ni Col. Eriberri.

Sa panig naman ni Defense Sec. Voltaire Gazmin, una nang binigyang-diin ng kalihim na dapat pag-aralan at siyasatin nang mabuti ang isyu para malaman kung ano talaga ang nangyari. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.