GMA, Ex-FG at 38 pa, Inilagay na sa Watch List Order

INILAGAY NA SA 60-day watch list order (WLO) sina dating First Gentleman Mike Arroyo, dating Comelec Chairman Benjamin Abalos, dating Commissioner Nicodemo Ferrer, dating Justice Secretary Alberto Agra at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang dating presidente ay dati na ring nasa ilalim ng unang WLO dahil naman sa Plunder case na nakahain sa Office of the Ombudsman.

Bukod sa mga ito, 36 na iba pa ang inilagay rin ng tanggapan ni Justice Sec. Leila de Lima sa mahigpit na pagbabantay ng Bureau of Immigration. Dahil may umiiral ng order laban sa Pampanga congresswoman, palalawigin na lamang ng nasabing kautusan ang watch list na iiral hanggang sa susunod na taon.

Sa pagkakasama sa listahan ng WLO ng dating Unang Ginoo, oobligahin na rin ito ng DoJ na mag-comply sa requirements kung sasama sa pagpapagamot ng dating presidente sa pagtungo sa labas ng bansa.

Ang mga nasabing 41 nasa ilalim ng watch list ay maaari pa ring makalabas ng Pilipinas kung may balidong dahilan, ngunit kailangan silang regular na makipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.