GMA, Bawal Lumabas ng Bansa – DoJ

 

MULING IPINAGPALIBAN NI Justice Sec. Leila de Lima ang pagpapalabas ng allow departure order (ADO) para kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang makapagpagamot sana ito sa labas ng bansa.

Bahagi ng requirements para makaalis si Arroyo ay ang ADO ng DoJ dahil sa umiiral na watchlist order (WLO) dahil sa kasong election sabotage na isinampa ni Sen. Koko Pimentel.

Bagama’t may resulta na ng assessment si Health Sec. Enrique Ona, kailangan pa rin nila ng masusing pagbusisi sa mga dokumento ng lady solon, ani De Lima.

Nilinaw naman ng DoJ chief na hindi nila kasalanan ang pagkaantala ng ADO ni Arroyo, kundi nagiging metikuloso lang sila dahil malaking usapin ang nakapaloob dito.

Isinisi ng opisyal sa hindi malinaw na aplikasyon at supporting documents na isinumite sa DoJ, kaugnay sa mga bansang pupuntahan ng dating pangulo at kung sino ang mga kasama nito. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.