GMA 7 rules Mega Manila

Guess kung sino ang blind item ni Ogie Diaz for today! Click here!

ANG CHEAP NU’NG isang guard na nagga-guide sa amin para makalabas kami sa isang parking. Bitbit niya ang kanyang cellphone at bigla ba namang nag-dayalog ng, “Sir, penge namang sex video nina Belo at Hayden!”

Huh? Ano ‘to? Close kami? At feeling niya, handa naming i-bluetooth ang naturang video? Ni hindi man lang niya itinatanong kung meron nga kami no’n. Eh, wala nga kami no’n, ‘no! Hindi pa rin namin ‘yon nakikita, promise.

Kaya sabi na lang namin sa jaguar, este, guwardiya, “Hayaan mo, ‘pag close na tayo, ipapasa ko sa ‘yo ‘yung sa amin ni Hayden!”

Sumagot ba naman ng, “‘Ayoko ‘yun, Sir! Kadiri!”

Aba, ang potah, sumasagot, huh! Sagutin ko nga. “Mas kadiri naman kung kayo ni Hayden ang me sex video, ‘no!”

‘Kaasar, huh! Nasira nang bahagya ang day namin, promise! Hahaha! Pero at the end of the day, mapagtatanto mo, “Ang mga tao talaga, ‘no?! Sobrang curious sa mga video na dinirek ni Hayden Kho! Nakalimutan nila pansamantala ang kanilang problema, dahil diyan sa isyung ‘yan.

IN FAIRNESS, ANG GMA-7 ngayon ay talagang ikinararangal nilang ibalita na patuloy silang number one sa Mega-Manila ayon sa survey ng AGB Nielsen. Ibig sabihin ng Mega-Manila, ‘eto ‘yung composed of buong Metro Manila kasama ang Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna at ‘yung mabibiyahe lang by land.

Ang alam din namin, bumitiw na sa AGB Nielsen ang ABS-CBN, kaya naglalabas na rin ng “nationwide” ratings ang TNS na sila nilang kinomisyon at nire-recognize din ng mga advertisers.

Para wala nang away, ibigay na natin sa GMA-7 ang Mega-Manila. Sila ang number one dito. Pero nationwide, ang number one naman ay ang ABS-CBN.

Pero at the end of the day, sino ba ang talagang number one? Hindi ang mga istasyon, kundi ang mga televiewers na silang may hawak ng remote control at sila mismo ang magsasabi kung anong show o channel ang number one sa puso at pamilya nila.

‘Wag n’yong kalilimutang pakinggan ang “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

18 thoughts on “GMA 7 rules Mega Manila

  1. i still don’t understand why GMA claiming that they r numba 1, while all movies they have made under GMA films is a big, huge humungus, FLOP?????
    but i was amaze when i saww MBGF….yun lang ang maganda

  2. Yung mga kunwaring tga USA jan umayos nga kayo! Manila lang sikat c marian. Naku kayo yung mga papalit palit ng username para kay marian. Eh taga iskwater naman kayo, USA daw oh?! Haha sige ako nasa New york at bukas sa india naman, then sa pluto na. Haha mga ambizyosa!

  3. malaki at marami compania ang narito sa megamanila kay dito pala ay maganda basehan ng rating. GMA had a lots of good show and i like very much especially about Marian.
    Go, Darna, lipad darna and I am sure this will be a good show and high rated. Adios sa mga haters. This is from USA.

    • Mocho, you claim to be from USA. However, your time zone appears to be the same as that of Franz. Franz, tiga Pinas ka di ba? Pareho kayo nang time zone ni Mocho na laging sinasabing-this is from the USA-.

  4. marami inggit at haters kay marian. I and my buddies are waiting for Darna. Marian is hot and had lots of fans even here in the USA.

  5. Witchcraft wala ako nkitang pagkami ni ogie diaz. Sabi n nga na gma # 1 megamanila, at aBs nati0nwidE. T0t0o naman un bAse s surveys. Isa pa, pan0ng di mkikialam ang magulang s panunu0d ng mga anak nila? Kung gus2 manu0d ng bata ng bold di b makikialam ang magulang? Ang mga kapuso tlga iba ang mentalidad. Hindi nga xa kawalan kung di xa man0n0od, hindi rin ako kawalan malamang, hindi kawalan ang apat na bahay, 6 na telebisy0n, hndi kawalang ang 19 katao. Ilan p kaya s pinas ang di manun0d? Witchcraft mag icp k muna bago mag p0st, halatang kapuso ka, bobo.

  6. Naku Oging bakla siempre sa ABS ka kakampi kahit ilang beses ka nilang i-tsugi doon pa rin ang loyalty mo. Magkamukha kayo ni Karylle

  7. ibigay na sa GMA ang mega manila…..tutal nationwide naman ang cover ng ABS-CBN at may TFC pa…..

  8. Tama ka mickey manghuhula ka talaga lol.. i already told my kids not to watch darna diyan sa pinas at si katrina ang valentina?? good grief!

    • ha ha ha nakakatawa naman ang isang ito pati sariling right to choose ng panonoorin ng anak pinipigilan pa. tsk tsk. Hindi ka rin naman affected ano? Kahit hindi ka manood ng kung ano esp. Darna magiging kawalan ka ba?

  9. ganyan sila Ogs, hindi kc nila matanggap na pagdating talaga sa teleserye ang Kapamilya talaga ang nangunguna kc nagke claim sila na no.1 daw sila………ehh san na yung panlaban nila diba lately most of there series ehh ahggang 2-3 months lang ehh tingnan nila yung MBP, Tayong Dalawa & Only you asan ngayon………ehehhhhh bilat nila………… yung Darna nila na malapit na taw nila ipalabas tngngan natin lumipat ng napakataas cguradonh bagsak sya sa ilalalim ng lupa pustahan tayo gusto mo.tama ang hula ko……

  10. Basta ako pinapanood ko my favorite show maging Kapamilya man o Kapuso kc mahal na ngayon ang kuryente bote kung bibigyan nila ako ng pambayad ng bill…

  11. ano bang mapapala kung magaway ang dalawang higanteng network sa bansa ngayon? makakatulong ba yan sa mga nagugutom na mamamayang pilipino? di ba mas tinuturuan nyo pa ang publikong maging cheap sa pakikipagaway sa mga bagay na hindi na nila dapat pinagaawayan pa? dapat sana magkaisa na tayo at sa halip na awayan ng network ang pagtuunan ng pansin ay hanapbuhay ang ibigay sa mga mamamyang pilipino na kahit nakatapos ng pagaaral ay naghihikahos pa rin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.