Gloria Diaz, ayaw pasalihin sa beauty contest ang anak

Gloria-DiazBILANG KAUNA-UNAHANG ‘Pinay na nanalong Miss Universe, natatawa na lang daw si Gloria Diaz kapag marami ang nagtatanong sa kanya kung sa pakiramdam ba niya ay nalalapit na ang muling panalo ng Pilipinas sa nasabing beauty contest na makapag-uuwi ng korona. Nito kasing ilang magkakasunod na taon ay parang nagpapasabik lang ang nasabing kontes sa pagpasok ng mga pangalan nina Venus Raj, Shamcey Supsup at Ariela Arida.

“More than fourty two years na nga yatang walang nananalong Miss Universe, pagkatapos namin ni Margie Moran.  Pero huwag tayong mawalan ng pag-asa. Sooner or later naman, siguro ay mayroon ding magkapag-uuwi ng korona,” wika ng dating Miss U at ngayon ay magaling na aktres.

Ang anak ni Gloria na si Isabelle Daza ay maganda at mas matangkad kumpara sa kanya. Maganda rin ang mukha ng kanyang anak, na tinatawanan lang ni Miss Diaz kapag mayroong nagbibiro na mas maganda pa nga kesa sa kanya, kaya bakit hindi si Isabelle na lang ang isali sa beauty contest at baka manalo ring Miss Universe?

“Ay, naku, hindi. Parang ang gusto naman kasi ng anak ko ay maging aktres, kaya hinahayaan ko lang siya. Ayaw naman niyang sumabak sa beauty contest. Mahirap ‘yon,” banggit pa ni GD.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “Gloria Diaz, ayaw pasalihin sa beauty contest ang anak

Leave a Reply

Your email address will not be published.