Glenda Garcia, stage 2 na ang breast cancer!

Glenda-GarciaNA-SHOCK TALAGA ako dahil habang nagsasalita ako sa harap ng mga indigent breast cancer patients at sinasabi kong ‘wag silang mawalan ng pag-asa eh biglang pinabanggit sa akin sa mic ng co-board of trustee ko na si Tita Pearl na si Glenda Garcia ay may breast cancer stage 2.

Maya-maya, biglang dumating si Glenda kasama ang ina nito at ikinuwento nito sa harap ng mga pasyente na siya man ay may kanser. Ito’y na-confirm nu’ng Oct. 10. Maging ang doktor ay hindi makapaniwala, dahil regular naman daw siyang nagpapa-check up at madalas na benign naman ang nakakapa niya sa kanyang mga suso.

Nagduda na rin daw ang kanyang doktor, kaya pina-biopsy na niya ito at na-confirm na second stage na ang kanyang breast cancer. Kaya nu’ng Sabado, Oct. pinatanggal na niya ang dalawang dede niya, “Pero kailangan ko pa ring mag-undergo ng chemotherapy para makasiguro.”

Si Glenda, sa mga hindi nakakaalam, ay nakababatang kapatid ng aktres ding si Melissa Mendez. At tulad din namin, aktibong miyembro ng Philippine Foundation for Breast Care, Inc. o Kasuso Foundation (na ang clinic ay nasa loob ng East Avenue Medical Center).

At nakabibilib din na all throughout the Kasuso Love Affair ay nakangiti lang si Glenda, “Kaya ‘to, Ogs. Basta nand’yan ang Diyos.”

 

Aktor na magaling sa ‘kabaklaan’, pinagmamadali ang fans na nagpapa-picture!

 

BLIND ITEM: Naaaliw kami sa isa naming friend, dahil iritang-irita siya sa isang aktor na dumaan sa harap nila, sinamantala na nilang magpa-picture, at nagpaunlak naman daw ang aktor.

“Kaso, Papa O, kaa-approach pa lang namin sa kanyang magpapa-picture kami sa kanya, nagdayalog ba naman na bilisan na namin at nagmamadali raw siya’t late na siya sa appointment niya?”

Hahahaha! Gano’n talaga ang ibang artista. Hindi natin alam, baka totoong nagmamadali na sila, pero dahil ayaw nilang maparatangang snob ng mga fans, eh naggi-give in sa request na picture-taking. Para rin mabilis na kumilos ang mga nagpapa-picture.

Dahil aminin naman natin, meron talagang mga fans na magpapaalam magpa-picture, tapos, ‘pag okay sa artista, saka pa lang kukunin ang kamera, pipindutin muna ang number code ng celfone, tapos, hahanapin ang icon ng camera at ise-set pa. Kaya rin tumatagal, lalo na’t ang tagal na nakangiti ang artista, tapos paghihintayin lang ng mga fans.

“Okay na kami doon, eh. Pero ‘yung mga alalay niya, juice ko po, akala mo kung sino’ng napakasikat na aktor ang inaalalayan nila. Aba’y nagpapa-picture kami nang nakangiti habang sila naman, nakasimangot na parang hindi nila gustong inabala ang amo nila ng mga fans na nagpapa-picture.

“Hello naman, Papa O! Pakisabi naman sa mga alalay na ‘yan na kung hindi rin naman sa aming mga fans eh, walang tumatangkilik sa mga shows ng alaga nila, ‘no! Ano ba naman ‘yung wala pang isang minuto, sisimangot na agad sila.

“At ang nakakalokah pa. Kailangan ba talaga, pagbaba ng sasakyan, eh papayungan nila ang artista para hindi maarawan? Eh, saglit lang naman ‘yung lalakarin, wala pang limang metro papunta du’n sa meeting place nila,  papayungan talaga?

“Tapos na ‘yung teleserye ng kabaklaan kamo, ‘wag nang umastang sikat, dahil hindi natin alam, palpak pala siya sa ibang role at gay character lang pala siya bagay!”

Hahahaha! Naaaliw na lamang kami sa kuwento. Sa amin kasi, mabait ang aktor na ito, eh.

“Sa iyo, dapat lang, dahil reporter ka rin. Eh, sa aming ordinaryong tao lang?”

‘Yun na.

 

HANGGANG NGAYON ay pinipilahan pa rin ang She’s The One at nakatakda na nga ang victory party, dahil malapit nang umabot sa P100M mark ang gross ng pelikula. Feel-good naman kasi ang movie at napakahusay nina Dingdong Dantes, Bea Alonzo, Enrique Gil at Liza Soberano. Maraming nagsasabing revelation dito si Liza, kaya dapat daw ay bigyan na ng sariling teleserye.

Heto nga’t ngayong November, ilang sosyal na magazines ang cover si Liza. At sa November 25, nakatakda naman siyang rumampa sa fashion show ni Francis Libiran. Kinukuha rin si Liza para mag-muse sa opening ng PBA at abangan siya sa isang teleserye pagkatapos siyang mawala sa Mira Bella.

At ‘eto pala,  ‘yung panganay ni Ai-Ai delas Alas, crush na crush si Liza at sana raw, ma-meet niya ang aming alaga soon. Alam na.

 

Every Saturday at 9-10pm ang radio program namin ni MJ Felipe sa DZMM TEleradyo, ang “OMJ” na mapapanood din sa SkyCable Ch. 26 at Destiny Cable Ch. 25. At pasyalan n’yo naman ang website ko www.ogiediaz.net ‘pag me time, ha?

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.