Glamorous Ramp

 

IN CHARACTER ANG mga taartits na bahagi ng pinakabagong drama-serye ng TV5 na Glamorosa sa ginanap na presscon noong November 5 sa Meralco Theater. Ito ang kauna-unahang teleserye ng bagong Kapatid star na si Lorna Tolentino sa nasabing network kasama ang iba pang mahuhusay sa larangan ng pag-arte na sina Alice Dixson, Tonton Gutierrez, Zoren Legaspi, Ronaldo Valdez, Lotlot de Leon, Noni Buencamino, Celeste Legaspi, Jenny Miller at Gloria Diaz. Nagpakitang-gilas rin ang mga artista ng bagong henerasyon na sina Ritz Azul, Martin Escudero, Victor Silayan at Meg Imperial. Siguradong aabangan ng mga manonood ang mga umaatikabong sampalan, sabunutan at batuhan ng lines nina LT at Alice kaya bongga ito. Napitikan ng aming kamerang-gala ang ginawang pagrampa ng ilan sa mga babaeng bida sa Glamorosa. Ipakita na ang inyong Glamorous ramp, go!

Photos by Luz Candaba

By MK Caguingin
Paparampa
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.