Glaiza de Castro, wish nang magka-lovelife!

LAST MONDAY, January 21, ang birthday ni Glaiza de Castro. Pero dahil may taping siya for Temptation of Wife, kinabukasan na siya nakaroon ng simpleng selebrasyon kasama ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Wala na raw siyang birthday wish na masasabi. Kung meron man daw, ito ay ang consistency na lang ng blessings na dumarating sa buhay niya.

“Tapos ano… lovelife. Charos!” sabay tawang biro pa ng Kapuso actress.

“Wala akong lovelife, eh. Gano’n siguro talaga kapag busy sa trabaho at may priorities sa buhay.”

Darating ang Valentine’ Day na loveless pa rin siya?

“Oo nga, eh. Ganito nga siguro kapag pinili mong i-prioitize ang trabaho. Pero meron naman iba na kayang pagsabayin ang work at ang lovelife, eh. Ako kasi, parang hindi ko pa kayang mag-commit nang todo. Otherwise, magsa-suffer ‘yong career. Pero kung sobrang supportive naman no’ng guy, bakit hindi? Eh ‘di… bongga!” nangiting sabi pa ni Glaiza.

Wala siyang lovelife pero natsi-tsismis siya lately kay Dennis Trillo na co-star nila ni Marian Rivera sa Temptation of Wife?

“Oo nga, eh. Well, siguro hindi naman natin mapipigilan. Kung ano ‘yong iniisip ng tao. At kung ano ‘yong sinasabi nila. Pero alam naman namin sa sarili namin na wala talaga. Siguro nadadala lang ‘yong mga tao sa mga eksena namin ni Dennis. Gano’n na sila ka-affected,” natawa ulit na sabi ng aktres. “At saka hindi nga maiiwasan, eh. Kasi siyempre magkasama kami sa show. ‘Di ba?”

Tapos pareho pa silang single dahil break na sina Dennis at Bianca King?

“Oo. So, gano’n. Pero wala. Wala talaga. Dahil lang nga ‘yon sa Temptation of Wife.

Hindi ba talaga puwedeng mangyari na ma-tempt sila ni Dennis na maging sila?

“Ma-tempt talaga? Well… hindi, eh. Hahaha!”

Hindi niya type si Dennis?

“Ayoko na lang magsalita,” pag-iwas na nasabi na lang ni Glaiza.

Walang pag-asa talaga?

“Hindi naman sa walang pag-asa. Pero sa ngayon talaga, hindi ko pa iniisip ‘yong mga ganyang bagay.”

Wala bang nagpaparamdam ngayon sa kanya?

“Multo!” sabay tawa na namang biro niya.

Baka naman nai-intimidate sa kanya ‘yong mga guys na gusto siyang ligawan?

“Bakit? Masyado ba akong suplada? O baka nadadala rin sila ng aura ni Heidi?” pagtukoy niya sa kanyang character sa Temptation of Wife na maldita at kontrabida.

“Hindi naman ako suplada. Gano’n lang talaga ako kapag hindi ako masyadong kilala. May tendency na medyo aloof ako sa una, eh. ‘Yong gano’n? Pero kapag naman nakilala n’yo ako, loving naman ako! Hahaha!”

Walang birthday gift si Dennis sa kanya?

“Wala. Kung ano… kung may malalim kaming relasyon siguro. Si Dennis, katrabaho lang talaga.”

Extended hanggang March ang Temptation of Wife. Aware daw si Glaiza na marami ang nagagalit sa kanyang pagganap bilang si Heidi na sobrang nangapi kay Angline portrayed by Marian

“Minsan, naku-convict ako sa ginagawa ko. Hahaha! Sobrang mean, eh. Kahit ako, kapag pinapanood ko ang sarili ko… buwiset! Nakakainis! Hahaha! May gano’n talaga. Wala pa namang nang-aaway sa akin kapag nasa public place ako. May mga nagtu-tweet lang na parang nagbabanta. Pero kapag naman nakikita nila ako, sinasabi nila na naiinis sila sa akin. Pero naka-smile pa rin sila. So… keri na!” natatawa pa ring huling nasabi ni Glaiza.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Glaiza de Castro, wish nang magka-lovelife!

  1. walang nagk0-comment? hehehe! hmmmm ako na lang… ano ba mase-sey ko kay glaiza? hmmm… ano ba? hmmmm… wala rin eh, haha

Leave a Reply

Your email address will not be published.