Glaiza de Castro, walang balak itodo ang pagpapa-sexy

CONVINCING TALAGA at nakabibilib ang performance ni Glaiza de Castro sa primetime series ng GMA 7 na Temptation of Wife. Ginagampanan niya rito ang karakter ni Heidi, na walang hindi gagawin maagaw lang si Marcel portrayed by Dennis Trillo kay Angeline na ginagampanan naman ni Marian Rivera.

Halos sa gabi-gabing pag-ere ng nasabing serye, may mga kissing scenes sila ni Dennis Trillo. Ano ang feeling niya?

“Nakaka-umay!” napahalakhak na sabi ng Kapuso actress.  “Joke lang! Hindi. Kasi kahit ako kapag pinapanood ko, parang… grabe! Oo. Grabe ‘yong… dami na nito, ah! Kumbaga, kung ako ‘yong viewer, ‘yong… sobra na naman na! Na grabe, every scene na lang! Eh, kaya lang, wala naman akong magagawa. Iyon ang hinihingi ng script.”

Ano ang reaksiyong nasasabi ng kanyang pamilya tungkol dito? Wala naman. Hindi naman masyado naming pinag-uusapan. Pero… naiinis din sila sa akin! Hahaha! Nadadala rin sila.”

May mga viewers namang nagsasabi na mas nakakainis ang character ni Marian Rivera bilang si Angeline na sobrang martir at nagpapakatanga.

“Naku, antayin n’yo na lang kapag naghiganti na siya. Although i-eksena pa rin ang pagiging maldita ko. Pero magpupunyagi na ang mga fans ni Angeline kasi lagi nga nilang sinasabi, sobrang kamartiran na raw. Pero sa part na lumalaban na siya, talagang magiging victorious na rin ang feeling ng viewers.”

‘Yong role daw niya as Heidi sa serye ang pinakamahirap na nagawa niya so far.

“Ang dami kasing emotions na kailangang ng character ko. At saka ang hirap din na i-manipulate ng mga emotions na iyon. Kasi in a way, nakakaapekto siya in real life. Kumbaga, kung galit ka. Kung nalulungkot ka. Kung desperate ka. Kumakapit minsan, e. ‘Yong gano’n?”

Although challenging, hindi raw gugustuhin ni Glaiza na muling tumanggap ng role na kasing daring at sexy ng ginagawa niya ngayon sa serye.

“So far, ito na lang muna! Hahaha! Kasi parang in a way, ano na… itinodo ko na rito, eh. ‘Yong gano’n, e. ‘Yon nga, nasabi rin n’yo… walang inhibitions. Ibinuhos ko nga kasi nang todo, eh. After this siguro, hindi ko alam. Pero gusto kong bumalanse. Ayokong ituluy-tuloy ‘yong gano’ng image.”

Dahil sa mapang-akit at mapangahas niyang role sa Temptation of Wife, hindi man niya hangad pero ang naging tingin sa kanya ngayon ng male viewers, sexy and hot.

Ramdam na ba niya ito? Na may mga naglalakas-loob nang lumapit at magparamdam na gustong pumorma sa kanya?

Nahalakhak na naman siya bago nakapagbigay ng kasagutan. “In a way, oo. May gano’ng factor din. Ang laking tulong din ng pagiging Heidi sa… parang physically. Kasi ano, eh… sa totoong buhay kasi, hindi ako masyadong maporma, eh! Hahaha! ‘Yong gano’n? Tapos ‘yong ano ko posture ko, mga gano’n. Ang laki ng naitutulong.”

Kumusta naman ang mga guys na nagpapalipad-hangin sa kanya ngayon. Meron na ba siyang nakikita sa mga ito na puwedeng pumasa sa taste niya?

“Tingnan natin. Sa ngayon kasi, wala pa. Basta tingnan-tingnan na lang natin. Kapag naman meron, ano, eh… kapag confirmed na, parang siyempre… bakit itatago? Kung mahal mo talaga ‘yong tao. ‘Di ba?

“Eh… kaya lang, wala pa, eh,” nagiting patapos na nasabi ni Glaiza.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Glaiza de Castro, walang balak itodo ang pagpapa-sexy

Leave a Reply

Your email address will not be published.