Glaiza de Castro throws curses as if there’s no tomorrow!

ISA SA MGA naging in-demand na artista sa katatapos lang na 7th Cinemalaya Film Festival si Glaiza de Castro. Lumabas siya sa tatlong pelikula – I-Libings, Patikul at ang closing film na Rakenrol.

Pinabilib ng Amaya star ang mga manonood sa kanyang intense performance bilang illegitimate child na hindi mapigilang magsabi ng kanyang saloobin sa I-Libings. May mga eksena rin kung saan walang pakundangan itong magbitiw ng mga curse words. Sa Rakenrol naman ay may eksena ito, kung saan nagmumura siya sa stage habang kumakanta ng isang impromptu rock song. Walang alinlangan din nitong inulit ang nasabing performance sa libreng concert sa Harbour Square pagkatapos ng Philippine premiere ng pelikula ni Quark Henares.

Ito ang rason kung bakit laging kinukuha ng indie filmmakers ang serbisyo ni Glaiza. Hindi ito tulad ng mga kasabayan niya na masyadong ‘image conscious’.

 

MARTIN ESCUDERO, BIGAY NA BIGAY SA PAGKABADING!

Kahit na hating-gabi pa nag-umpisa ang screening ng isa sa closing films ng Cinemalaya noong Linggo na ‘Zombadings One: Patayin sa Shokot si Remington’, marami pa rin ang naghintay at pumila para mapanood ang pelikula.

Si Martin Escudero ang bida sa pelikulang ito at talaga namang pinalakpakan ng mga manonood ang kanyang epektibong pagganap bilang si Remington, ang binatang sinumpa noong bata siya dahil sa madalas niyang pang-aalaska sa mga bading. Sinumpa siya ng karakter ni Roderick Paulate na sa paglaki nito ay magiging ganap din siyang bading.

Humiyaw ang mga manonood sa mga eksena niya, kung saan pinipigilan niyang magbitiw ng ‘beki’ words, pero lumalabas pa rin ito. Halatang pinag-aralan ng dating Starstruck star ang karakter na itinoka sa kanya.

Kasama rin sa pelikula sina Eugene Domingo, Janice de Belen, John Regala, Leandro Baldemor, Daniel Fernando, Marian Rivera, Lauren Young at Kerbie Zamora, na gumanap  bilang ‘best friend’ ni Remington.

Ito na ang pelikulang magpapatunay na may ibubuga sa aktingan ang Kapuso turned Kapatid star. Award!

 

DIANA ZUBIRI, DINEDMA ANG ‘BAHAY BATA’!

Kung halos lahat ng artistang involved sa mga kalahok na Cinemalaya entries ay proud na proud sa pag-attend sa presscons at screenings nito, kabaliktaran naman ang ginawa ng sexy actress na si Diana Zubiri. Marami ang nadismaya dahil ni hindi ito nagpakita sa gala night ng pelikulang Bahay Bata, na siya pa naman ang bida.

Ginampanan nito ang papel ng isang nurse na nababagabag dahil sa unwanted pregnancy sa karelasyong doktor na may asawa na. Ito pa ang natokang mag-overtime sa isang public maternity hospital dahil kinulangan sila ng staff sa bisperas ng Pasko.

Maganda sana ang material na ito bilang comeback film dahil samantalang nawala sa sirkulasyon ang Kapuso star. Kung na-ging active lang sana ito sa promo ng pelikula, naging maingay sana ulit ang pangalan niya.
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

21 thoughts on “Glaiza de Castro throws curses as if there’s no tomorrow!

  1. Mentality na talaga ng Pinoy na kapag artista dapat maganda… kapag sikat dapat bigyan ng projects… no wonder di tako nakakapagsabayan sa other asian countries when it comes to quality film-making… indie films are new breeds of film making wherein it really caters to new, fresh and/or real talents… eugene domingo is not that pretty but she’s a damn good actress… Glaiza is pretty, nakokompara lang kay Angel… kung international critic kaya mag judge ng acting ng dalawa??? who do you think will win? ^_^ just a thought. . .

  2. And Thanks nga pala Pinoy Parazzi for the nice review/article about I-libings/Glaiza
    and @ Marietta tama ka sabi nga sa article na ito “as if there’s no tomorrow”
    P*** I*** kung P*** I *** talaga ha!ha!ha ang lutong sabi nga nila but I luv luv it
    ayyyyiiieeeeee(“,) astig lang kasi ganda ng pagkadeliver. Sana next Cinemalaya
    may entry ulit si Glaiza

  3. @redfox, sorry ha? Akala ko kasi ako ang pinatamaan mo kasi ako ang nagsimula na sinabing magkamukha sila. Pero thank you rin sa mga sinasabi mo, ako rin gusto ko ang mga comment mo kasi may sense ka rin at intelihente ang mga comment mo.

  4. Wahhhhh Ang ganda ng I-libings simple lang sa umpisa but I think it has to be
    that way para to give way sa isang malaking pasabog na ending hi!hi!hi We also
    watch Patikul and Rakenrol. After watching I like I-libings then Patikul but yung
    kasama ko is Patikul then I-libings medyo confuse lang kami ng konti sa Rakenrol
    ahe!he! but mukhang kami lang ata siguro bec di kami open sa world ng rock and roll
    But overall agree me sa mga sinabi dito ang galing ni Ms. Glaiza nanibago me sa kanya
    sa I-libings nagulat ako lalo na dun sa sinabi niya sa huli grabe kala ko kasi di niya kayang magsalita ng ganun bravo Ms. Glaiza(“,)

  5. @maria… ,, but my comment was not meant for you and i also noticed na may similarities nga yung dalawa.. pero sinagot ko lang yung isang statement na parang mas nakakalamang si glaiza kay angel, which i believe na kabaliktaran yata.. at saka peace rin kasi sa totoo lang i looked up to you kasi mabibilang lang ang mga nagcocomment dito na may sense tulad mo.

  6. @redfox, hindi ko ikinukumpara si Angel at Glaiza as a whole, sinabi ko lang ho na magkamukha sila. Magkamukha is diffirent from magkapareho. It is a fact of life na may similarities talaga ang ibat ibang tao. Napansin ko lang kasi na maypagkahawig or magkamukha na maliit sila ni Angel. Iyon lang ho. Peace. :-)

  7. magaling talaga c glaiza dapat xa ang maraming projects ngaun iba kc satin mas tnitignan mukha. pacute lng ng pacute mga acute naman.. ang artista sana ay najjudge sa pag arte sa harap ng kamera hnd sa mga kaartehan sa ktawan..hnd sa gnda ng mukha kundi sa galing ng umacting sa harap ng camera..

  8. Weird lang noh, Minsan pag may article about angel tapos may ibang fans si ??? alam
    nyo naman siguro kung sino then magpopost dun na comparing her sa kanya may
    magsasabi sa inyo na bakit pupunta punta dun tapos magco-comment ng negative eh
    samantalang di naman siya kasali sa article then sasabihin niyo na very offensive sila
    na tipong laging mahilig sa away then yun pala ginagawa din naman nung iba it’s just
    very weird na minsan ayaw nila na ginagawa kay angel yun pero sila din naman pala ganun
    din yun iba lang naman. And remember the article is about Glaiza’s great acting wala naman po sigurong kinalaman si angel dun un lang naman

  9. oo nga namn, wag ikumpara si angel locsin kay glaiza dahil wala namn sa kalingkingan ni angel si glaiza.. sa kagandahan man o kasikatan.. kuha nyo????????????

  10. SI GLAIZA KAHIT SIMPLE PERPEKTO NAMAN ANG MUKHA, HINDI KATULAD NI ANGEL NGIWI NA AT RETOKADA PA….. BWAHAHAHAHAH

  11. Depende po iyan noh!!!! May mga nagsasabi nga na mas maganda si Glaiza if
    very light lang yung make up niya eh ska although na iimprove talaga ang acting
    pero kung talagang hanggang dun nalang yung isang artista eh talagang wala na
    tayong magagawa dun kaya proud talaga na ang galing na artista ni Glaiza eh!!!
    ska kayo naman ang laging mahilig magkumpara kay Glaiza kay Angel nananahimik nga
    yung tao eh!!!! Ska very happy na ang dami niyang na impress sa I-libings galing naman
    kasi talaga niya dami pumalakpak after nung movie both CCP at Greenbelt. Gongrats Glaiza
    and sa lahat na din ng mga nasa Cinemalaya movies^^

  12. Depende po iyan noh!!!! May mga nagsasabi nga na mas maganda si Glaiza if
    very light lang yung make up niya eh ska although na iimprove talaga ang acting
    pero kung talagang hanggang dun nalang yung isang artista eh talagang wala na
    tayong magagawa dun kaya proud talaga na ang galing na artista ni Glaiza eh!!!
    ska kayo naman ang laging mahilig magkumpara kay Glaiza kay Angel nananahimik nga
    yung tao eh!!!! Ska very happy na ang dami niyang na impress sa I-libings galing naman
    kasi talaga niya dami pumapalpak after nung movie both CCP at Greenbelt. Gongrats Glaiza
    and sa lahat na din ng mga nasa Cinemalaya movies^^

  13. Kasi kailangan nya mag effort sa pag akting dahil hindi cia kagandhan kumpara sa iban artista actually di cia artistahin sa looks so better bank on acting

  14. may make-up lang kaya maganda!! pero alisin mo ang make-up ordinaryo lang ang hitsura. malayo ang hitsura niya kay angel!!

  15. hawig lang sila ni angel pero mas maganda pa rin si angel locsin, mas matapang  kcfeatures ni glaiza at parang matanda keysa sa tunay nyang edead.

Leave a Reply

Your email address will not be published.